KABANATA 69

394 10 0
                                    

ZACHARY KLIENS

Parang biglang tumigil ang takbo ng mundo naming lahat nang makita naming nakahandusay na sa sahig si Gray.

Kahit na nanginginig pa ang buo kong katawan ay sinubukan ko pa ring tumakbo ng mabilis, makalapit lang sa kaniya.

Sunod-sunod namang binaril ni Yellow at Purple ang kalaban na bumaril kay Gray.

"Gray! Wake up!" Pilit siyang ginigising ni Violet na kandong-kandong siya, pero wala na.

Hindi na siya kumikilos ni humihinga.

Gray naman.

Namuo ang galit sa katawan ko, dalawa na sa magagaling at malalapit sa amin ang natumba, kunti na lang kami ang natira, ang iba ay sugatan at wala ng buhay.

"May paparating!" Lalong dumilim ang paningin ko dahil sa nakita ko.

Maraming itim na van ang paparating, malamang na tinawagan na ni Ace lahat ng pwede niyang tawagan mapatay lang kaming lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa nang tumunog yun.

From Ace
   I need you right now. Pumunta ka sa lumang bodega.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa text ni Ace. Bakit niya aki pinapapunta dito? Papatayin niya ba ako?

Tutal nandito ba rin ako, it's show time.

"Blue, tawag ka ni Miss Red." Kaagad naman akong napabalik sa ulirat nang tawagin ako ni White.

Halos wala na pa lang kalaban dito sa loob, nando'n na sa labas lahat.

"Yes miss?" Tanong ko kaagad.

"Nanganganib ang buhay ni Synier." Napatingin ako kay Kahel at Pink na nasa tabi ni Red.

"Akala ko ba may pinadala kang mga tauhan do'n?" Kunot noo kong tanong.

"Yeah, pero di pa rin tayo nakakasigurong mapo-protektahan sila ng pamilya nila." Sagot niya naman.

"Unahin muna nating patayin si Ace, siguradong wala ng hahawak kay Synier." Galit kong sagot.

Kaagad akong tumakbo papunta sa taas, kailangan kong maging Zach para mabilis kong mapatay si Ace.

Pag-akyat ko sa taas at kaagad kong tenext si Ace na papunta na ako, kaya pumunta muna ako sa isang kuwartong walang tao, chineck ko din kung may CCTV ba o wala.

Nang masiguro kong safe ang kuwarto ay saka ako nag bihis, mabuti na lang at madali lang magpalit ng disguise.

____

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Hindi maalis ang kaba sa akin simula nang sabihin sa akin ni Pink at Xy ang nalaman nila tungkol sa akin.

Gusto kong pumunta sa mansion para siguraduhing ayos lang sila Mommy, pero hindi naman ako pwedeng umalis dito kaagad hangga't hindi ko napapatay si Ace.

Maya-maya pa ay isa-isa kaming napayuko nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok galing sa labas.

"Alam nyo na ang gagawin nyo! Kilos!" Sigaw ko.

Kaagad kong kinuba si Kahel at Pink para sumama sa akin.

"Kayong dalawa, wag kayong aalis diyan hangga't hindi ako bumabalik, naiintindihan nyo ba?!" May awtoridad kong utos.

"Per-"

"Kahel, ayaw ko ng pasaway." Wala silang nagawa kundi tumango kaya mabilis ko silang iniwan nang masiguro kong ligatas sila sa kuwartong yun.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now