KABANATA 41

416 8 0
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Matapos mailibing ng Daddy ni Mia ay kaagad umalis si Mommy at Daddy, samantala naiwan naman kami ni Zach at Mia doon, hindi pa rin kasi matanggap ni Mia na wala na ang Daddy niya.

Nakatulala lang siya habang nakatingin sa grave ng Daddy niya. Gano'n din kami ni Zach dahil ni isa sa amin ay ayaw magsalita.

"I miss him." Tumutulo ang luha ni Mia habang sinasabi yun.

Kaagad ko naman siyang niyakap.

"You father is in heaven now, Mia, babantayan ka niya." Sagot naman ni Zach. Baliw talaga, ginawa pang bata si Mia.

"It's okay, Mia, mabuti pa umalis na tayo, kailangan mo ng magpahinga, bawiin mo yung lakas na nawala sa'yo, hahanapin pa natin kung sino ang may gawa nito di ba?" Sagot ko naman.

Napagplanuhan kasi namin na hanapin kung sino ang may gawa nito at kailangan ko ring malaman kung saab napunta yung red necklace ni Xander.

Nang humakba na kami papunta sa sasakyan ay napahinto ako sa paglalakad ng makita ako si Ace at Xy na naglalakad papunta sa amin.

"Condolence po, Tita Mia." Lumapit siya kay Mia at niyakap ito.

Nang nagtatangka na siyang lumapit sa akin ay umiwas na kaagad ako.

"Mauna na ako sa kotse, Mia." Sabi ko at deri-deritsong naglakad paalis sa kanila.

"M-Mommy?" Rinig kong tawag ni Xy.

Hindi ko na pwedeng gawing dahilan si Xy, hindi ko na pwedeng hayaan siyang lumapit pa sa akin dahil kapag nahalata ni Xander na napalapit na sa akin si Xy, patuloy niyang gagamiting excuse sa akin si Xy.

Hangga't hindi ko pa naayos itong lahat ng 'to, hindi pa ako pwedeng lumapit kay Xy, kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin, hindi pwede.

Nang makarating ako sa kotse ko ay kaagad akong nagkulong doon, pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko. Alam kong hindi ko 'to matitiis ng matagal pero kailangan kong kayanin.

Nang makabalik na silang lahat ay nagpaalam na akong umuwi, sumunod naman si Mia at Zach. Hindi ko na alam kung saan pumunta sila Xander at wala naman akong pakialam.

Nang makarating ako sa bahay ay kaagad akong nagpahinga, marami na ngayong guard sa buong mansion, mayroong pinadala ang presidente ba ilang pulis at sundalo para magbantay sa amin, may ilan ding sumusunod sa amin para bantayan kami ng hindi nahahalata ng kalaban.

Gano'n na kadelekado ang buhay namin lahat dito sa bahay, dahil sa pagbabanta na ginawa ng Lolo ni Ace nawalan na ng tiwala ang nakatataas sa kanila na mas lalong ikinabagsak ng kompanya nila. Dahil lahat ng investors nila ay nawala na. Malamang na problemado sila ngayon, lalo na si Xander dahil si Zach ay tumutulong kay Mia sa school nila.

Kinuha ko ang cellphone ko ng bigla yung tumunog, hudyat na may nag text. Nang buksan ko naman yun ay nabitawan ko ang cellphone ko sa subrang takot.

From: +639183026583
   Gus2 mo pa bng maktng buhay ang mga mahl m sa buhay?

Tangina.

Si Mommy at Daddy kaagad ang nasa isip ko kaya mabilis ko silang tinawagan, nang sagutin ni Mommy ang tawag ay hindi kaagad akong lumabas ng kuwarto ko at hinanap sila.

Pumunta ako sa kuwarto nila at kumatok doon ng ilang beses, nang walang sumasagot ay sumigaw na ako.

"Mommy! Nasaan kayo ni Daddy?" Naiiyak kong sigaw sa kuwarto nila.

Taranta namang pumunta sa akin si Manang.

"Synier, anong nangyayari sa'yo? Bakit umiiyak ka?" Tanong niya sa akin.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now