KABANATA 39

431 7 0
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Naiilang ako sa kaniya ng bumaba kami ng ferris wheel, habang si Xy naman at tuwang-tuwa.

"Uuwi na po tayo?" Tanong niya.

"Ihahatid na natin ang Mommy mo." Sagot naman si Xander at hinawakan ang kamay niya.

Ngumiti naman si Xy at hindi na nagreklamo. Kagaya kanina ay sa backseat ulit kami sumakay ni Xy hanggang sa makarating sa mansion ay tahimik lang ang buong kotse.

"Bye Mommy, thanks for your time." Hinalikan ako ni Xy sa pisnge bago ako bumaba ng kotse.

Nang makababa na ako ay kaagad akong pumasok sa mansion at hinanap sila Mommy at Daddy pero wala pa rin sila.

"Akala ko kung saan kana pumunta, iniwan mo kagabi yung pagkain mo eh." Sagot sa akin ni Manang.

Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala alam ang pangalan ni Manang.

Kaagad akong umakyat sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone ko, kaagad ko namang tinawagan si Mommy at Daddy pero parehong cannot be reach.

Pero okay naman siguro sila di ba? Okay sila.

____

MIA PAULINE NIEZ

Hindi pa rin ako okay, nagpapagaling pa rin ako hanggang ngayon dito sa bahay.

"Ma'am, kailangan nyo na pong uminom ng gamot." Sabi ng isa sa mga maids namin.

"Give it to me." Kaagad kong ininom ang gamot ko at umalis naman siya kaagad.

Mabuti na lang naitago kaagad nila Mommy ang nangyari sa akin kaya hindi na yun kumalat pa. Kapag nagkataon sikat na sikat na naman ako sa social media.

"Wala pa rin bang update si Mia?"

"Wala na akong nakikitang post niya recently."

"Ano kayang nangyari sa kaniya?"

"Baka busy lang sa iba niyang trabaho sa buhay."

"We have different life, huwag kayong atat, busy lang yun."

Halos ganiyan ang karamihan na nababasa ko sa twitter. Hindi ko na lang yun pinapansin at kailangan ko ng gumaling dahil ang manager ko ay tawag na sa akin ng tawag.

Alam niya rin naman na naaksidente ako kaya hindi niya ako pinipilit pero tanong ng tanong kung pwede na daw ba ako mag shoot.

["We have a big project to offer you, game ka ba sa acting?"] Halos mapanganga ako ng banggitin sa akin yun ng manager ko.

"Yes Ma'am, tatanggapin ko po." Mabilis kong sagot.

["Ready yourself, you have a bug role for this project."] Sagot niya naman.

Ako kaya ang bida? Sana huhu.

Acting is my biggest dream, akala ko hindi ako qualified for that kaya ang pinursue ko ay ang modeling. Kaya kailangan ko ng gumaling dahil may malaking opportunity ang naghihintay sa akin. Alam kong babaguhin nito ang buhay ko as a model.

"Mia?" Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Zach.

Nandito kasi ako ngayon sa garden at nagpapahangin.

"What are you doing here?" Malamig kong tanong.

"I heard tinanggap mo yung project?" Tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"So what?" Mataray kong tanong.

"Nothing, good for you, pangarap mo yun di ba?" Nakangiti niyang sagot.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now