KABANATA 55

369 9 0
                                    

A/N: hi guys, 1 week tayong walang update right? Sorry na, exam week kasi namin last week, midterm and final exam, gusto nyo malaman score ko sa summer subject namin? HAHAHAHA pasado ako siyempre HAHAHAHA 68/70 sa mid term and 73/85 sa finals and I'm the highest hehehe. Yes ako ang pinakamataas sa aming lahat. Anong subject? INORGANIC CHEMISTRY po ang summer class subject namin na nasa curriculum, if hindi nyo po alam ang course ko po sa college ay BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN SCIENCE. This second year, major na po lahat ng subject ko kay malamang na busy na naman, anyway bago magpasukan tatapusin ko po itong MHIMBE hehehe, sorry po ulit and enjoy reading mga purple hotdogsss 😽💜

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Synier, ayaw na kitang makitang umiiyak ng dahil sa'kin, hindi ko kaya." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko napansin na tumutulo na rin pala ang luha ko.

"I know you love me too, right?" Hindi ako nakasagot.

Alam ko sa sarili kong matagal ko na siyang mahal, ayaw ko lang sabihin ng deritso sa kaniya dahil ayaw kong pagsisihan sa huli.

"Synier?" Umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang mukha ko at kaagad akong sinunggaban ng halik. Hindi siya gumalaw, tanging mga labi lang namin ba magkadampi.

Rinig na rinig ko din ang bigat ng paghinga niya. Nanatili kami sa gano'ng posisyon dahil hindi naman siyang gumagalaw.

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at ako na ang gumalaw.

Sana malaman mo ang sagot sa paraan ng paghalik ko.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay tumugon siya sa mga halik ko. Hinawakan niya ang ulo ko and guide me to deeper our kisses.

"I know you love me." Hingal na hingal niyang sabi ng pareho kaming bumitaw sa halik.

Hindi ulit ako nagsalita at umiwas ng tingin. Bakit hirap na hirap akong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko?

Huminga siya ng malalim bago umayos ng upo.

"Masyado nang malamig, tara na." Inalalayan niya akong pumasok ulit sa kotse. Sa passenger seat na ako umupo at siya naman ay umikot sa driver seat.

Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagmaneho. Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta, baka pauwi na.

Namayani ang katahimikan sa buong kotse, hindi ako nagsalita dahil ang awkward. Hindi rin naman siya nagsasalita.

Kung gusto niya ako matagal na, bakit kailangan niya pang magluko? Bakit kailangan niya pa akong saktan?

Hindi naman ako laruan eh, hindi naman ako tanga para hindi masaktan sa ginagawa niya.

Hindi naman nagtagal ay tumigil na ang kotse niya. Tumingin ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung nasaan kami.

"Tara?" Ngumiti siya sa akin saka bumaba. Wala naman akong choice kundi ang bumaba na din. Pagbaba ko ay naghihintay naman siya sa akin.

Nagtaka ako nung makarinig ako ng paghampas ng alon kaya tiningnan ko siya ng nagtataka.

"Where are we?" Kunot noo kong tanong sa kaniya. "Why am I hearing a fucking waves?" Dagdag ko.

"We're at a resort," sagot niya naman sa akin.

"What? What are we doing here?!" Inis kong tanong.

"To rest and to spend time with you." Deritso niyang sagot.

"The fuck, saang resort naman ito?!" Inis ko pa ring tanong.

"Quezon city," natatawa niyang sagot.

Tangina, anong nakakagawa eh ang layo na nito sa Manila!

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now