KABANATA 47

529 10 0
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Itinago ko yung envelope sa bulsa ko at naghanap pa dito sa kuwarto niya, pero wala akong makita, kaya napahiga ako sa kama niya.

Kinuha kong muli ang envelope at pinagmasdan yun. Saka ako tumayo at binuksan.

To Synier;
    I know you're thinking right now why would I choose you to become ME. It is at the first time, and alam kong hindi mo'ko bibiguin, alam kong maipagpapatuloy mo kung ano ang masimulan ko. Alam kong kaya mo ring pamunuan ang Red Dragon, basta wag mo lang kalimutan kung ano ba talaga ang layunin natin bakit natin ito binuo.

Unang-una sa lahat, nais kong humingi ng tawad dahil hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago ko ipasa sa'yo ang pagiging pinuno. Walang ibang nakakaalam nito kundi tayong dalawa lang. Patawarin mo rin ako kung umalis ako ng walang paalam.

Kaya ko ginawa ang sulat na 'to dahil alam ko na ang mangyayari sa akin, malakas na ang kutob ko nung mga nakaraang araw pa lang na hindi maganda ang pagtulong ko kay Ace, alam kong alam mo na rin na kapatid ko siya, OO Synier, kapatid ko si Ace. Matagal akong nagtago dahil ayaw ng mga kumupkop sa akin na magpakilala ako sa kaniya. Kaya naisipan kong magtago sa maskarang suot mo ngayon.

Natakot kasi akong baka patayin ako ng mga kumupkop sa akin kaya sinunod ko sila, si Ace at Llander ay matalik kong kaibigan, tatlo kaming tinuruan ng Jinzu Family kung paano lumaban at ang Jinzu din ang kumupkop sa akin.

Napamura ako ng malakas dahil sa nabasa ko, tangina, all this time kilala nila ang Jinzu? Paano na si Mia? Tinuloy ko ang pagbabasa.

Si Ace at Llander ay kumalas sa Jinzu dahil may iba silang layunin kaya hindi kami nagkasundong tatlo. Mortal na magkaaway ang dalawa samantalang ako ang pumapagitna dahil gusto ko ng kapayapaan. Pero ayaw nila nun, dahil si Ace ang tinuring na Mafia Boss dahil sa kaniyang Ama at sa kaniyang Lolo, samantalang naiinggit maman si Llander kaya lalo siyang nagalit kay Ace.

Binigyan kami ng Jinzu ng palatandaan at mga diamond. Ang napunta sa akin ay Red Necklace, ang kay Ace naman ay Black Diamond at kay Llander ay Red Diamond.

Dahil sa kasakiman ni Ace at Llander, kinuha nila ang Red Necklace ko at doon kami nagsimulang magkagulo, ako na dating hindi nangingialam sa kanila ay nakialam na dahil sa kinuha nila. Hanggang sa nagkagulo na lahat, napunta kay Ace ang Red Necklace at napunta naman kay Llander ang Black diamond at sa akin naman napunta ang Red diamond.

Dahil sa hindi ko na alam kung paano ko sila pagkakasunduin, minabuti kong kunin ang lahat ng diamond at ibalik yun sa Jinzu, ngunit hindi ko na magagawa dahil alam kong habang binabasa mo 'to ay wala na ako.

Alam kong hawak mo ang Black diamond, kunin mo ang box sa likod ng kama ko at makikita mo ang Red necklace at Red diamond.

Tumayo ako at hinanap yun sa kama niya, ngunit wala akong makita, lumapit ako sa headboard ang kama niya at may nakitang button doon. Pinindot ko yun at laking gulat ko ng nahati ang book shelf niya sa dalawa.

Naglakad ako papasok sa madilim na kuwarto yun, naghanap ako ng switch ng ilaw para makita ko ang nasa loob. Nang makapa ko yun ay tuluyan ng lumiwanag ang paligid.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now