KABANATA 36

428 12 0
                                    

ZACHARY KLIENS

"Kaya mong bumangon?" Hindi ako sinagot ni Ace. Nakatingin lang siya sa kisame habang nag-iisip. "Huwag ka munang umuwi, baka balikan nila Llander ang bahay mo."

"Paano nila nalaman ang bahay ko? Ako ba ang punterya nila?" Tanong niya bigla.

"Sa tingin ko, oo, dahil si Synier ang kasama ni Mia, si Mia ang natamaan dahil siya ang nagda-drive." Mahina kong sagot.

Bakit si Mia pa?

"Pero imposible," sagot niya naman. "Hindi mga tauhan ni Red ang nakasagupa natin, at mas lalong hindi yun tauhan ni Llander."

"H-Huh? Akala ko kay Llander yun?"

"Hindi, hindi susugod ang mga tauhan niya ng wala si Llander, at mas lalong hindi naman nila alam na kasama ni Mia si Synier, kaya si Mia ang pakay nila." Paliwanag niya.

Bakit si Mia?

"Ede sino ang mga yun?"

"Yun ang alamin mo pag-gising ni Mia." Sagot niya.

Napahinga ako ng malalim saka humiga sa kamang katabi ng kama niya.

"Bakit nando'n si Mia at Synier sa company kanina?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. "Wala sanang mapapahamak ngayon kung hindi ka nagpahuli kay Synier, wala sana ngayon si Mia sa hospital." Dagdag ko.

"Anong kinalaman ko do'n?"

"Tangina mo!" Mura ko bago tumayo at hinarap siya, pero ang mukong nakapikit pa. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi maiisipan ni Synier na umalis ng bahay mo at magpatulong kunin ang gamit niya!!" Sigaw ko sa kaniya.

"A-Aalis si Synier?" Tanong niya at bigla pang minulat ang mga mata niya na parang gulat na gulat siya.

"Anong ene-expect mo?! Sa ginagawa mo sa kaniya hindi siya nasasaktan?! Tangina, manhid ka na ba talaga?! Gano'n na ba talaga kawalang kwenta yung mga tao sa paligid mo?!" Inis akong tumayo at napahilamos ng mukha. "Nakakapagod kang pagsilbihan alam mo ba yun?!" Sigaw ko ulit.

Hindi ko na siya pinasagot at inis na lumabas ng ER. Napahinga ako ng maluwag ng sa wakas nasabi ko rin ang mga gusto kong sabihin sa kaniya. Sa lahat ng ginawa ko sa kaniya alam kong wala akong karapatang sabihin yun, takot ako nung una pero hanggang saan ako dadalhin ng takot ko kung mananatili akong takot sa kaniya?

"W-What happened?" Napatingin ako kay Synier na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin doon.

"Umuwi ka na muna, baka hinahanap ka na sa inyo," mahina kong sabi sa kaniya. "Ako na ang bahala kay Mia.

"A-Ayaw ko, hindi ako makakatulog hangga't hindi ako nakakasiguradong okay lang siya." Sagot niya naman.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

_____

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Kumain ka muna." Napatingin ako sa pagkaing iniabot sa akin ni Zach.

"S-Salamat." Sagot ko.

Halos mag-uumaga na pero hanggang ngayon wala pa ring balita kay Mia.

"B-Bakit hindi lumalabas ng ER si Xander?" Tanong ko. Kanina pa kasi siya tapos gamutin at hindi naman malala ang tama niya sa braso dahil daplis lang yun.

"Nahiya sigurong lumabas." Sagot ni Zach na ikinatawa ko ng mahina.

"Kailan pa yun nagkaroon ng hiya?" Natatawa kong tanong.

"Sa ginawa niya sa'yo dapat lang siyang mahiya." Mabilis niyang sagot.

Ayaw ko pa siyang kausapin, pero tama naman si Zach, dapat lang talaga siyang mahiya, walang hiya siya.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now