KABANATA 44

576 9 0
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Magkasabay kaming pumunta ni Xander sa parola. Kagaya ng plano ay nakatali ako at may takip ang ulo ko.

"Nakakahinga ka pa ba?" Natatawang tanong ni Xander.

"Sige, tawanan mo'kong hayop ka!" Inis kong sagot sa kaniya na mas lalo niyang ikinatawa.

Tinanggal niya ang telang nakatakip sa ulo ko at masama ko naman siyang tiningnan.

"Don't worry, magugustuhan ka pa rin ni Llander." Sabi niya at tumawa.

"Siraulo ka!" Inis ko siyang sinipa sa paa pero hindi yun natamaan dahil mabilis siyang naka-iwas.

Napahinga naman ako ng malalim bago sumandal sa upuan.

"Kinakabahan ako." Sabi ko.

"Kagaya ng sabi ko sa'yo, I will save you."

"Paano ka naman nakakasiguro na maliligtas mo'ko?" Nakanguso kong sagot.

"Just trust me." Sagot niya naman.

Huminto na ang kotse sa harap ng parola at kitang-kita kaagad namin ang mga guards sa gate nito.

Naka standby naman ang mga kasama namin kung sakaling may mangyari, nakapalibot na rin sila sa parol.

"Bumaba si Xander at umikot para kunin ako. Nilagyan niya muna ako ng tape ang bibig ko bago ako tinabunan ulit ang ulo ko para wala akong makita.

Inalalayan niya akong bumaba at ako naman ay nagkunwaring nagpupumiglas.

"Where's Llander?" Tanong ni Xander sa mga guards.

"Nasa loob." Sagot naman ng isa sa kanila.

Narinig kong bumukas ang gate at hinila ako ni Xander kaya naglakad ako.

Hindi na siguro natiis ni Xander ang bagal ko sa paglalakad dahil wala akong makita au binuhat niya ako bridal style.

"Stay calm." Bulong niya sa akin.

Tangina mo, paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon?

Kung pwede ko lang isigaw yun, sinigaw ko na kanina pa.

_____

THIRD PERSON P.O.V.

Habang naglalakad si Xander buhat-buhat si Synier paasok sa loob ng kampo ni Llander sa parola ay naghahanda naman ang mga kasama nito sa signal ni Xander.

Mayroong hawak na tracker at recordings sina Red para naririnig din nila usapan ni Ace at Llander.

"Boss, nandito na po si Black." Rinig nila Red.

Nagkatinginan namam silang lahat.

"Maghanda ang lahat." Utos ni Red sa kanila.

Bawat isa sa kanila ay may dalang radio para nag-uusap pa rin sila kahit malayo sila sa isa't isa.

May ilan na nasa loob na ng parola at nagpanggap na kasama nila Llander, may ilan naman na nasa likod nito kung sakali man.

Kabadong-kabado naman si Synier habang pinakikinggan ang nangyayari, hindi pa rin siya binibitawan ni Ace kahit pa huminto na ito sa paglalakad.

"Nasaan ang anak ko?!" Galit na tanong ni Ace kay Llander ng makita niya itong nakatayo sa taas.

Nasa malaking bodega kasi sila kung saan malawak at napapaligiran si Ace ng mga kasama ni Llander.

"Hahaha, nasaan ang kwentas at ang asawa mo?" Mapang-asar nitong tanong. Doon ay ibinaba na ni Ace si Synier at tinanggalan ng takip sa ulo.

Nagpupumiglas naman si Synier at pinilit na tinatanggal ang pagkakatali sa kaniya.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now