KABANATA 68

366 6 6
                                    

A/N: Purple hotdogsss, hindi naman siguro kayo nandito kasi gusto nyo puro BS 'no? Kasi kung yun lang ang habol nyo sa story na 'to, jusq naman HAHAHAHAHA mag-aral muna kayo 😭 jk HAHAHAHAHA sorry pala ulit sa late update, enjoy reading ^^

___

ZACHARY KLIENS

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari kay James, paano nalaman ni Ace? Tangina talaga.

Kahit kaibigan kita, papatayin kita kapag nagkaroon ako ng pagkakataon.

"Blue, saan ka pupunta?!" Nag-aalalang tanong ni White.

"Papatay." Mahina kong sagot sa kaniya.

Hindi ko na siya pinansin kahit pa tinatawag niya ako, patuloy ako naglakad ng tahimik at patago papasok sa isang kuwarto.

Kitang-kita ko mula dito sa taas kung gaano kakalat ang mga tauhan ni Ace.

Bigla akong napatalon sa gulat nang makarinig ng putukan mula sa baba.

Kaagad akong naghanap ng pwedeng taguan dito sa taas, mabuti na lang at nakita ko yung isang kuwarto na bukas kaya dali-dali akong pumasok sa loob.

Mabuti na lang din at walang tao kaya madali akong nakalibot. Maraming aklat sa paligid, isang lamesa sa gitna at sofa sa harapan nito.

Sunod-sunod pa rin ang putukan na naririnig ko mula sa labas.

"Itaas mo ang kamay mo." Napatigil ako sa  paglalakad nang may magsalita mula sa likuran. His voice is not familiar to me.

"Chill man," natatawa kong itinaas ang kamay ko at dahan-dahang humarap sa kaniya, then I saw him holding a gun and pointing at me. "Matinding kalaban 'yang hawak mo." Pagbibiro ko sa kaniya.

"Sino ka?! Bakit nandito ka sa kuwarto ko?!" Sigaw niya sa akin at humakbang palapit sa akin kaya naman humakbang din ako palapit sa kaniya.

"Oh? You don't know me?" Natatawa kong tanong. "I'm disappointed, why you didn't know me?" Nang makalapit ako sa kaniya at humakbang siya lalo papalapit sa akin.

Hindi niya pa rin binababa ang hawak niyang baril at masama ang tingin sa akin. Para bang kinikilala niya ako pero hindi niya magawa dahil mata ko lang ang nakikita niya sa buong mukha ko.

"Sino ka? Tanggalin mo 'yang maskara mo?" Sigaw niya. "Tanggalin mo!" Sigaw niya ulit, nagkunwari akong natakot sa kaniya at dahan-dahang hinawakan ang maskara ko para sabihing tatanggalin ko. "Bilisan mo!" Utos niya at mas lalong itinutok sa akin ang baril.

"Ito na nga, excited ka naman eh." Sagot ko naman. Pinakatitigan niya ako sa mukha na para bang ang laki ang atraso ko sa kaniya.

Kaya naman ginamit ko yung pagkakataon para maagaw sa kaniya ang baril na hawak niya.

"Ngayon, itaas mo ang mga kamay mo!" Balik utos ko sa kaniya at takot na takot naman siyang sumunod.

"H-Huwag-"

"Huh? Wala akong naririnig eh, ano ulit yun?" Lumapit ako sa kaniya at siya namang umatras.

"P-Please-"

"No!" Nang wala na siyang maatrasan ay napa-upo na lang siya sa sahig.

Patuloy ko pa ring siyang tinututukan ng baril. Napatingin ako sa lamesa nang makita ko doon ang isang tape, may naisip naman kaagad aking idea kaya mabilis ko yung kinuha at lumapit ulit da kaniya.

"Ayaw mong mamatay?" Mabilis siyang tumango. "Sige, tayo!" Utos ko. Mabilis siyang tumayo kaya ang ginawa ko ay kinuha ang tape at nilagyan ang kamay niya sa likod. Matapos yun ay tinulak ko siya papunta sa kama at pina-upo doon.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now