A/N: I think every week na po akong may update hehe, sabi ko naman sa inyo babawi ako HAHAHAHA. Enjoy reading guys, mahal na mahal ko kayo, mwuah 😽❤️
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
Paano kumalma? Hindi ko na alam ang gagawin ko, nakatunganga lang ako dito sa kama ko habang si Mommy inaayos ang mga gamit ko kasama ang iba naming maids.
Hindi pa ako ready iwan ang kuwarto na 'to. Ayaw ko pang umalis. Katatapos lang ng kasal tapos pagdating ko ng bahay nakahanda na ang gamit ko.
"Xander is outside, bilisan nyo na diyan." Sabi ni Daddy ng pumasok siya sa kuwarto ko. Hindi ba sila nalulungkot na aalis na ako ng mansion? Napahinga ako ng malalim bago tumayo, kinuha ko lang ang iba kong gamit at pinagmasdan sa huling pagkakataon ang kuwarto ko. May ilang gamit pa rin akong naiwan, kaya babalik at babalik ako dito.
"Take care, Synier, alagaan mong mabuti ang asawa mo ha." Hindi ko sinagot si Mommy. Bakit kailangan niya pang magpa-alaga? Malaki na yan, kaya niya na sarili niya.
"Mauna na po kami, Mommy, Daddy, thank you po." Binuhat ni Xander ang ilan sa mga gamit ko papunta sa kotse, ang ilan naman ay dala ng mga katulong namin.
Halos maluha-luha kong sumakay sa kotse ni Xander, hindi dahil sa aalis na ako, kundi sa amoy nito, hanggang ngayon ba naman ito pa rin ang gamit niya?
Nang makapagpaalam na ako kay Mommy at Daddy ay hindi na ako lumingon pa, baka kasi hindi na ako makaalis ng mansion.
Habang nasa byahe kami papunta sa bahay niya ay hindi kami nagkikibuan, walang nagtatakang magsalita kaya nakakabinging katahimikan ang umaapaw sa loob ng kotse. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang matataas na buildings na nadadaanan namin.
Hindi ko magawang tumingin kay Xander dahil hanggang ngayon naiiyak pa rin ako sa sarili ko, wala akong magawa kundi ang tanggapin lahat kahit ang totoo labag sa loob ko ang pagpapakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Nakakainis lang kasi kahit nasa tamang edad na ako para magdesisyon para sa sarili ko at kung ano ang mas nakakabuti sa akin ay hindi ko pa rin pwedeng gawin.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko na kayang tiisin ang amoy ng kotse niya. Hindi ba siya nababahuan dito?
Hindi niya naman ako sinagot at mas lalo lang kumunot ang noo. Inis akong napasalampak sa upuan dahil sa pikon. Sarap dukutin ang mga mata ng malditong lalaki na 'to. Maya-maya pa ay lumiko kami sa isang daan na ang makikita mo na lang ay puro puno.
Saan naman kaya ako dadalhin nito?
Magtatanong na sana ako pero nakita ko na sa di kalayuan ang isang malaking bahay, nang papalapit kami ng papalapit ay mas lalo akong namangha hindi dahil sa laki nito kundi kung saan ito nakatayo. Hindi ko alam na may ganito kalaking Mansion sa puro puno na ito. Hindi mo kaagad ito makikita dahil sa malalaki ang puno bago ka makarating dito pero maging ang mga puno ay maayos ang pagkakatayo.
Kusang bumukas ang malaking gate kaya deritsong pumasok ang kotse ni Xander sa loob. Nang makapasok kami ay agad niyang inilagay ang kotse sa garahe. Ako naman ay tinanggal ang seatbelt ko at kusa ng bumaba ng kotse niyang napakabaho ng amoy.
Agad akong pumunta sa isang gilid kung saan pwede akong sumuka at doon ko inilabas lahat ng kinain ko kanina sa reception. Pati ata bituka ko masasama dahil sa dami kong inilabas.
"Tsk." Yun lang nag narinig ko sa kaniya at pumasok na sa loob ng bahay.
Ang sama talaga ng ugali.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...