KABANATA 22 [R-🔞]

1.6K 17 0
                                    

A/N:Hindi ko na maalala kung anong plot nito HAHAHAHA paano grabe ka busy sa school kaya minsan na lang ako makapagsulay kapag di masyadong busy huhunesss. Sorry again guys for late update. Enjoy reading.

Shout out sa'yo ate PrincessMabandos HAHAHAHA sorry po kung bitin lagi update ko, busy lang po talaga 😭 anyway thank you po, I really appreciate your comment 😅

[⚠️❗ SPG ALERT ❗⚠️]

___

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Nandito ako ngayon sa sala at nanunuod ng TV habang kumakain ng popcorn na niluto ko, oo niluto ko, ako mismo ang nagluto dahil sa tinagal-tagal ko na dito sa bahay ni Xander alam ko na lahat ng gagawin, ang gawaing bahay, maliban na lang sa paglalaba, hindi naman ako naglalaba dahil may pumupunta dito tuwing sabado para maglaba.

Napatingin ako sa orasan dahil anong oras na wala pa si Xander, dapat kanina pa siyang seven pero past seven na at wala pa siya. Nagluto na rin ako at kumain na rin kami ni Xy, bahala na siya sa buhay niya.

Dalawang araw na kaming walang pansinan dahil sa ginawa niya nakaraan, ano sa tingin niya ang magiging reaction ko do'n? Akala niya ba biro lang yun? Buhay ko nakasalalay doon 'no.

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi na ako lumingon dahil alam kong si Xander na yan. Sinundan ko siya ng tingin ng ng dumaan siya sa gilid ko, hindi man lang ako nilingon o kaya naman ay binati, tsk.

Tuloy-tuloy siyang umakyat sa taas kaya hindi ko na siya pinansin, nag focus na lang ako sa panunuod ko ng TV.

Maya-maya pa ay napatingin ako sa hagdan ng makita si Xander na bumaba mula doon, nakasuot na siya ng pangtulog at fresh na rin. Kahit na malayo siya pa siya sa akin ay amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. Shit.

Mabilis kong inalis ang paningin ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain nitong popcorn.

"Where's Xy?" Tanong niya ng makalapit sa akin. Hindi ko siya sinagot.

Wow ha, akala mo walang kasalanan sa akin.

Nakatayo lang siya sa gilid ko, nang walang makuhang sagot sa akin ay naglakad na paalis.

Akala mo ha.

Maya-maya pa ay bumalik siya at umupo sa gilid ko, hindi ko siya nilingon pero alam kong may dala siyang kung ano.

"Here," inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses, napatingin ako ro'n bago tumingin sa kaniya. "Look, I know you're mad at me, I just want to say sorry." Hindi ako sumagot sa kaniya pero tinanggap ko pa rin ang red roses.

Red Roses na yun, siyempre favorite ko, kailangan kong tanggapin.

"I'm... I'm... S-Sorry."

"Wag kana mag sorry, di naman yan sincere." Sagot ko sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Synier-"

"Hmm?" Putol ko sa kaniya. Shit, ba't ba ang bango niya? Hindi na nga ako tumitingin sa kaniya para mawala yung ibang nararamdaman ko ngayon eh.

"The past few days..." Tumigil siya saglit. "I feel strange, I'm really sorry on what happen last day, hindi ko naman intensyon na ipahamak ka eh."

"Anong hindi?! Eh sinabi mo ngang patayin na ako eh!" Sigaw ko sa kaniya.

"Please, let me explain."

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now