ZACHARY KLIENS
Istorbo talaga itong mag-asawa na 'to palagi sa akin. Lagi na lang eh, paano hindi kumuha ng katulong sa bahay.
Inis akong bumangon sa kama ko at kinuha ang susi ng kotse ko.
"Teka, bakit nga pala nando'n na si Synier sa bahay ni Ace? Bumalik na ba siya do'n?" Dali-dali akong bumaba ng condo ko at pumunta sa pinakamalapit na drug store.
Kailangan kong malaman kung bakit nando'n na siya sa bahay ni Ace.
Nang makabili ako ay kaagad akong dumeritso sa bahay ni Ace. Wala na akong katok-katok, kaagad kong hinanap si Synier.
"Synier, nandito na ang gamot." Pero walang sumasagot kaya dumeritso ako sa kuwarto ni Ace.
Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng makita ko si Synier na hinuhubaran si Ace.
"What the hell?!" Sabi ko at napatingin naman si Synier sa akin.
"What?! Tatayo ka na lang diyan?! Hindi mo ako tutulungang bihisan 'to?!" Sigaw niya sa akin.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil mali ang iniisip ko. Grabe na talagang utak 'to.
"Ito na nga, akala ko pagsasamantalahan mo si Ace eh." Natatawa kong sabi.
"Hindi ako katulad mo, tanga."
Tingnan mo na, natangahan pa ako.
"Nag -iba ka na talaga."
"People change." Seryuso niyang sabi.
Napailing na lang ako bago siya tulungan na bihisan si Ace. Subrang init nga ng lalaki. Ano naman kaya ang ginawa nito at nagkasakit?
"Bakit pala nandito ka? Akala ko umalis ka na?"
"Pinuntahan niya ako sa bahay dahil may itatanong daw siya pero hinila ako papunta sa kotse niya." Sagot niya naman.
"Wow," natatawa kong sagot. "Iba rin talaga si Master." Dagdag ko pa.
"Painumin mo na yan ng gamot." Utos niya at inabot sa akin ang tubig.
"Bakit ako? Ikaw na." Sagot ko naman. Tumayo ako at kinuha ang mga ginamit niya kanina para ilagay sa baba.
Napahinga naman siya ng malalim bago kumilos, ako naman ay dumeritso na sa baba.
Ano naman kaya ang itatanong sa kaniya ni Ace? Pinapabalik niya na ba ulit si Synier? Sana lang hindi pumayag si Synier, maging aral sana sa kaniya 'to.
Sabi ko na talaga mahal niya na si Synier eh, hindi niya pa aminin.
Ilang minuto pa ay bumaba na si Synier, napa-upo siya sa couch katabi ko.
"Kailan ka pa dito?" Tanong ko.
"Kanina lang," sagot niya.
"Bakit ka nandito?"
"Pinuntahan niya ako sa bahay na may sakit siya, alangan namang pabayaan ko siya-"
"So, nag-aalala ka sa kaniya?" Nakangiti kong tanong.
"Hindi ah-"
"Sus, hindi pa aminin." Panunukso ko.
"Hindi-"
"Kung hindi, bakit nandito ka ngayon?"
"Gusto ko lang tumanaw ng utang na loob sa pagligtas niya sa amin ni Mia." Hindi naman ako nakasalita.
"Yun ba talaga?"
"Oo nga, by the way, how is she?"
"Naka uwi na siya sa kanila, hindi muna siya pinatuloy sa condo niya." Sagot ko naman.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...