SYNIER FRUXELL-HENTROV
Hindi ko alam ang gagawin ko, paano ko papamunuan ang Red dragon? Nakakatakot at malaking gampanin ngayon ang iniwan sa akin ni Red.
"Sino sila? Bakit ang daming naka-maskara?" Tanong ng ilang bisita dito ni Xander sa funeral ni Red o Cassandra.
Hindi ko alam kung anong relasyon nila sa isa't isa, hindi ko magawang matanong si Xander dahil tulala lang siya simula ng malamang patay na 'to.
All this time na nag-aaway silang dalawa, ibigsabihin kilala nila ang isa't isa, pero itong si Cassandra hindi man lang nagpakilala kay Xander.
"Zach, pwede ba akong magtanong?" Bulong ko sa kaniya pero nakatingin lang siya kay Xander na nando'n sa kabaong ni Cassandra. "Who is she?"
"Hindi ko alam." Sagot niya naman.
Ngayong araw na kasi ililibing si Cassandra at dahil ako si Red ngayon ay inutos kong pumunta ang buong organization, hindi kami pwedeng mawala sa libing ng leader namin.
"You can ask him." Sagot naman sa akin ni Mia. Tumango na lang ako.
Nandito ang pamilya ni Xander, ang Lolo at Lola niya pati ang iba nilang kamag-anak.
Nang mailibing namin si Cassandra ay isa-isang nag-uwian ang lahat, pero bago umalis ang Lola ni Xander ay lumapit muna ito sa akin.
"Synier?" Ayaw ko sana siyang pansinin pero bilang respeto na rin ay kinausap ko na.
"Po?"
"Sorry ha, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng asawa ko. Salamat din at hindi nyo na pinakalata sa social media."
We're not like that.
"Wala hong anuman, pasalamat na lang ho kayo kay Mr. President dahil binigyan niya pa ng pagkakataon ang asawa nyo." Sagot ko naman.
Ngumiti naman siya sa akin saka nagpaalam. Magkasabay ring umalis si Mia at si Zach kasama si Xy. Kaya ang naiwan dito ngayon ay si Xander.
Aalis na din sana ako pero ang curiosity ko ay hindi ako nito papatulugin.
Naglakad ako palapit sa kaniya, kitang-kita ko ang mga luha sa mga mata niya, hindi pa rin siya tumitigil sa kaiiyak.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kundi umiyak pa siya lalo.
Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba siya para pakalmahin, pero sa huli ay ginawa ko pa rin.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Kung gaano man ka importante si Cassandra sa kaniya at umiiyak siya ng ganito ay kailangan kong malaman yun.
What if ex niya?
Imposible namam, sabi ni Zach sa akin ako ang unang babaeng hinalikan ni Xander.
Niyakap naman niya ako pabalik at sinubsub ang sarili sa balikat ko. Rinig na rinig ko yung iyak niya na walang hinto at ramdam ko yung luha niya na nababasa na ang damit na suot ko.
"Tara na," tinapik ko pa ang balikat niya pero umiling siya. "Kailangan mo nang magpahinga." Dagdag ko pero hikbi lang ang isinagot niya.
Hindi pa ito ang panahon para magtanong kaya papahupain ko na muna ang sakit na nararamdaman niya.
Nag stay pa kami do'n ng ilang saglit hanggang siya na ang nakaisip na umuwi na kami.
Sa kotse niya na ako sumabay pauwi, tahimik lang kami sa buong byahe at walang nagsasalita.
Ayaw ko rin magsalita dahil baka kung anong masabi niya, napansin kong ihahatid niya na ako sa mansion kaya nagsalita na ako.
"H-Hindi ako uuwi sa mansion," sagot ko naman at tumingin siya sa akin. "Do'n na muna ako sa bahay mo." Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...