A/N: 2024 na, dapat magbago na kayo HAHAHAHA choss. I hope 2024 is good to us, wala na sanang iyakan na magaganap sa taon na 'to. Pagod na pagod na yung mata ko nung 2023 jusq, sa dami ng problema hindi ko alam kung paano ko yun nalampasan pero salamat sa Ama at hindi niya ako pinabayaan. Kaya kayo rin, sana maging maganda na ang 2024 para sa ating lahat 😽❤️
___
XANDER ACE HENTROV
"Sino pa ang mga kasabwat mo?!" Mahinahon kong tanong sa isa kong tauhan, pero hindi na ngayon.
"W-Wala na..." Matapang niyang sagot kahit hindi na siya makilala dahil sa mukha niyang puro dugo at makatali pa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likuran.
"Wala?! Sigurado ka?!" Natatawang tanong ni Zach.
"Wala na!!" Sigaw niya.
Nakakairita ang kaniyang boses. Kinuha ko ang baril sa lamesa at kinasa yun.
"Gaano ba kasakit matamaan ng bala sa ulo?" Tanong ko at tumingin naman sila sa aking lahat, kita sa mata ng lalaki na 'to ang takot ng makita niya ang baril na hawak. "Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin kapag nalaman ko kung sino ang kasama mong nagta-traydor sa akin?!" Nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Hindi!" Sigaw niya. "Dahil balang araw, babagsak ka din, mag-iingat ka lalong-lalo na ang asawa't anak m-" hindi ko na siya pinatapos at pinutukan siya sa ulo.
"Itapon nyo kung saan makikita ng publiko." Utos ko.
"Yes Master." Sagot naman ni James at Zach.
Nagkamali siya ng binutawang salita, may balak pa akong buhayin siya hangga't hindi pa nakikita ang kasabwat niya, pero dahil sa sinabi niya ay nairita ako. Natakot din ako para sa pamilya ko, alam kong hindi madali para kay Synier ang tanggapin lahat pero kailangan niya ng malaman ang totoo kong pagkatao.
Mabilis na akong umuwi ng bahay kahit hindi pa 7 pm, dahil sa pag-aalala. This is the first time I feel this. Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko. Bawat araw na lumilipas simula nung nagpakasal ako ay lagi na akong ganito, hindi ako mapakali hangga't hindi ko nasisigurong ligtas ang pamilya ko.
Anong ginawa mo sa akin Synier?
Nang makauwi ako ng bahay wala akong nadatnan sa sala kagaya ng lagi kong nadadatnan sa bahay na naunuod si Synier at Xy ng TV.
"Synier? Xy?" Sigaw ko.
Napatingin naman ako sa pinto palabas ng pool. Nando'n si Syniet at Xy, kumakain.
Naglakad ako papunta doon at kita ko ang panlalaki ng mata ni Synier.
"I thought, 7 pm pa ang uwi mo?" Gulat niyang tanong.
"Hindi ba ako pwedeng umuwi ng maaga?" Tanong ko sa kaniya at umupo katabi ni Xy.
"Hindi." Sagot niya naman kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi pa kasi ako nakakaluto ng hapunan." Sagot niya naman at nakangirit pa.
"Ako na magluluto." Sagot ko.
Tumayo na ako at nagbihis muna ng pambahay bago bumaba sa kusina at nagluto.
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
"Anong nakain ng Daddy mo?" Taka kong tanong kay Xy.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...