KABANATA 29

758 14 3
                                    

A/N: Hi, how are you guys? Kumusta ang exam? Nakapasa ba kayo? Hehe ako kasi bagsak 😭 anyway, may nabasa ako kanina, ngayon ko lang na open yung notification ng watty ko, if ayaw nyo sa story na 'to, please don't read this. I have a plot and alam ko ang gagawin sa story ko, ako ang nakakaalam sa daloy ng kwento nito, kaya please leave this story alone. Yun lang, enjoy reading.

____

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Aalis kana ba?" Tanong ko kay Xander.

"Yeah, I have a meeting."

Meeting nyo ng nga kampon ni lucifer.

"Ah okay, take care, ako na ang bahala kay Xy." Sagot ko naman.

"You can use my other car," tumangi na lang ako bago lumapit sa kaniya, tinulungan ko siyang ayusin ang necktie niya. "A-Ah... I have to go." Sagot niya matapos kong maayos yun.

Kinuha niya yung bag niya at mabilis na umalis. Napangisi naman ako habang tinatanaw siya palayo. Naglakad ako papunta sa kusina at pinuntahan si Xy.

"Hindi ka pa tapos?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin at di sumagot. "Male-late kana."

"I'm okay here Mom, I know you want to follow Dad, go ahead." Sabi niya na ikinagulat ko. Nagpatuloy lang siya sa pagkain habang ako ay nakatingin sa kaniya na gulay pa rin.

How did he know?

Nakakabasa ba siya ng utak? O alam niya rin ang ginagawa ng Daddy niya at gusto niyang ako ang makadiskobre nun.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, kinuha ko ang susi ng kotse ni Xander.

"Wag kang aalis hangga't hindi ako bumabalik, okay?" Tumango naman siya.

Mabilis ako pumunta sa garahe at hinanap ang kotseng tutunog kapag pinindot ko 'tong susi. Hindi ko alam kung saan ang gagamitin ko sa dami ng kotse niya.

Tumunog naman yung kotseng nasa dulo kaya dali-dali akong lumapit doon. Nang mailabas ko yun sa garahe ay napangiti ako. Yung amoy ng kotse niya nakakasuka pa rin. Bakit ba ganito 'tonh kotse niya? Parang hindi nililinis, ang sakit sa ilong.

Wala akong choice kundi ang tiisin ang amoy dahil wala ng oras kung magpapalit pa ako ng kotse dahil mawawala na si Xander.

Nang makalampas ako sa mapupunong daan na 'to ay natanaw ko na kaagad ang kotse ni Xander. Medyo malayo siya sa akin pero sapat lang para hindi niya ako mahalata na sinusundan ko siya.

Sana lang hindi ako maabutan ng traffic. Habang sinusundan ko siya ay nagulat ako dahil hindi sa daan papuntang company.

Saan ka pupunta, Xander?

I have this feeling na iba itong pupuntahan niya, kung saan man yun, gusto kong malaman. Hindi pwedeng marami kang tinatago sa akin, buhay ko ang nakataya dito.

After ilang minuto ay lumiko siya sa isang masukal na daan. Napakunot ang noo ko dahil sirang company ang nandoon, nag park ako ng kotse malayo doon at naglakad papunta sa sirang company na yun.

Nakita kong maraming magagarang kotse ang nasa labas, marami rin akong nakikitang mga tao na may dalang baril. Anong ginagawa mo dito Xander? Ano ka ba talaga?

Hindi ko alam kung saan ako dadaan para makapasok sa loob dahil sa dami ng bantay sa labas. Hindi ako sanay sa ganito, ang hirap talaga kapag hindi ka pinapalabas ng bahay.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now