A/N: How's your exam nyo purple hotdogsss? Pasado ba? Or pasado ka ba sa puso niya? Charoott HAHAHAHA enjoy reading.
___MIA PAULINE NIEZ
Iyak ako ng iyak sa harapan ni Zach, hindi siya makagalaw at nakatingin lang siya sa akin, pati si Kahel ay kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.
"Ate White," Dali-daling kinuha ni Pink ang maskara ko at umiiyak yung pilit ibinabalik sa mukha ko. "Isuot mo na po 'yan, baka makita ka ni Miss Red." Umiiyak niyang sabi.
Wala naman akong choice kundi ang ibalik yun at pinilit kong tumayo, hindi ako makatingin kay Zach dahil subra akong natatakot.
"M-Mia?"
"Pretend that you don't know her." Matigas na sabi ni Kahel kay Zach.
"But why?" Kunot noong tanong niya.
"Because she's not supposed to do that, Miss Red will kill her if she will know about it." Galit na sagot ni Kahel.
"Kung hindi nyo kayang patayin ang isa't isa, mabuti pang maghiwalay na muna kayo ngayon, hindi kayo pwedeng magsama, sa outside world na lang po kayo mag-usap tungkol dito." Dagdag naman ni Pink.
Hindi ko magawang magsalita dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako.
Kahit ayaw kong umalis ay kailangan, dahan-dahan na naming tinalikuran si Zach at naglakad palayo.
"Wait," lahat kami ay napatingin sa kaniya at nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang suot ang maskara ni Blue.
B-Blue?
Kita rin ang gulat sa mukha ni Kahel at Pink dahil sa nakita namin.
"Sasama ako sa inyo." Sabi niya at tumakbo papunta sa akin.
Nang makalapit siya ay kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at gano'n din naman ang ginawa niya sa akin.
Hindi na ako huminto kaiiyak dahil sa mga nalaman namin.
"I'm sorry." Umiiyak kong bulong sa kaniya.
"Shhh, you don't have to, okay?" Hinimas-himas niya ang likuran ko para pakalmahin ako. "Ako ang dapat mag sorry sa'yo." Dagdag niya pa.
Mas inilapit ko ang ulo ko sa leeg niya para mas mayakap ko siya ng maayos.
"This time, gagawin ko na ang tama, I'm sorry." Napangiti ako habang umiiyak pa rin.
"Ate White, we need to go, nagkakagulo na po sa labas." Napatingin kami kay Pink nang taranta niyang sabihin yun.
Nagkatinginan kami ni Zach bago tumango. Mabilis kaming tumakbo papunta sa labas kasama ang mga bata.
This time, gagawin na namin kung ano ang tama at nararapat.
Nang makalabas kami ay kaagad sumalubong sa amin ang dami ng taong nakaitim na nakasandal sa kanilang mga sasakyan.
Tangina. Bakit hindi sila nauubos?
"Fuck." Mura ni Zach.
"Kuya, bakit ang dami nila?" Mahinang tanong ni Pink.
Hindi sila gumagalaw at parang may hinihintay na lumabas. Halos lahat kasi ng mga kasamahan namin ay nandito na sa labas at halatang hinihintay na lang ang hudyat, magpapalitan na ng bala ang bawat panig.
Maya-maya pa ay may lumabas sa isang kotse at laking gulat ko nang makita kung sino yun.
Ang Lolo ni Ace.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...