KABANATA 40

531 12 0
                                    

ZACHARY KLIENS

"Saan ka ba nang galing?!" Mahinang tanong sa akin ni James pero mukhanh kabado.

"Bakit ba? Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya.

Kababalik ko lang kasi sa underground, binisita ko si Mia dahil inaasikaso na ang mga labi ng Daddy niya.

"Kanina pa galit si Master Ace, yari tayo!" Sagot niya naman. Pansin ko nga na tahimik halos lahat ng tauhan namin. Kaya hindi na ako nag isip pa ng kung ano, pumasok ako sa opisina niya at laking gulat ko na subrang gulo nun.

"What happened?" Tanong ko sa kaniya. Para siyang hingal na hingal at ano mang oras ay sasabog na siya sa subrang galit.

"Nawawala ang Red necklace." Mahina niyang sagot sapat na para marinig ko.

"What the hell?" Pati ako ay nag-init sa subrang inis. "Paano nawala? Akala ko ba nakatago yun?" Dagdag ko.

"Imposibleng si Synier ang kunuha nun," sabi niya naman.

"Yun ba yung dapat na itatanong mo sa kaniya?" Tumango naman siya. "Ibig sabihin, matagal ng nawawala yung kwentas?" Hindi naman siya sumagot pero base on his expression, ay matagal na nga. "Bakit ngayon ka lang nagkakaganiyan?" Hindi niya ulit ako sinagot.

Tinabig niya lahat ng gamit na nasa lamesa niya at inis na napasambunot sa buhok niya.

Maya-maya pa ay napatingin kami sa pinto ng deri-deritsong pumasok ang Lolo ni Ace.

"Mr. Hentrov-"

"What the fuck are you doing?! Hindi ka gagawa ng paraan para makuha mo ang kwentas?!"

"Lolo, we don't know-"

"Anong hindi mo alam?! Hindi pa ba sapat na ebedensiya na si Synier ang kumuha?! Sino pa ba ang tao sa bahay nyo kung hindi tatlo lang kayo!! Alangan namang si Xy ang kumuha nun?! Eh walang kaalam-alam ang bata!" Sigaw niya sa amin.

Imposibleng si Synier ang kumuha nun, pero kung siya man, bakit?

"We don't have evidence na siya talaga ang kumuha!" Sigaw din ni Ace.

"Ace! Kung wala kang balak kunin sa kaniya, ako ang kukuha!" Mabilis siyang lumabas ng opisina kaya napatakbo din kami ni Ace.

Nang makalabas kami ay tuloy-tuloy siyang sumakay ng kotse at nag drive naman maagad paalis ang driver niya.

Napamura ako at hindi alam ang gagawin.

"Fuck!" Sigaw ni Ace at kinuha ang kotse niya. Wala akong nagawa kundi ang kunin din ang kotse ko at sundan sila.

"Tangina naman!" Mura ko habang nagda-drive.

Hindi nga ako nagkamali ng akala dahil papunta sa Mansion nila Synier ang Lolo ni Ace.

Ano kayang plano ng isa na 'to?

Nang huminto sila ay huminto na rin ako. Palabas ko ng kotse ay sumisigaw na ang Lolo ni Ace dahil ayaw ito papasukin ng guard sa gate.

"Papasukin mo ako! Kailangan ko si Synier!" Sigaw niya ulit.

"Lolo, ano ba?!" Awat sa kaniya ni Ace.

"Bitawan mo'ko!"

"Pasensiya na po, hindi po talaga pwede eh, may bisita mo ang Amo ko, ang bilin niya po ay huwag kaming magpapasok kahit sino!" Sagot naman ng guard.

"Who the hell is the visitor of your boss, let me in!" Sigaw niya. "I don't care kahit sino pang mataas yan!" Sigaw niya na naman.

Patuloy sa pagpapaliwanag ang guard pero mukhang gusto talagang mag iskandalo ng Lolo ni Ace. Ako na lang yung nahihiya sa ginagawa niya.

Mukhang malabo nga talagang balikan ni Synier si Ace, lalo na ngayon.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now