N/A: Ayun na nga po tapos na ang dalawang nakakahingal na chapter HAHAHAHA sana hindi na kayo nabitin HAHAHAHA anyway po, sorry for the long updates dahil subrang busy talaga, alam nyo naman na babad talaga ako sa school huhunesss. Enjoy reading po.
Hi NihayaTalib ito ang next chap HAHAHAHA naway mah enjoy ka sa pagbabasa, mwuah 😽❤️
______
ZACHARY KLIENS
"Zach, aalis kana?" Hinarap ko si Mia na nagbibihis sa kama niya, kaagad ko namang sinuot ang pantalon ko.
"Oo, kailangan ako ni Master." Sagot ko naman sa kaniya.
"Paano naman ako? Kailangan din kita." Malandi niyang tanong.
"Mia, alam mong may trabaho ako, katatapos lang natin, uuwi naman ako mamaya eh, at saka di ba may photoshoot ka pa mamaya?" Tanong ko habang inaayos ang sentoron ko.
"Yeah, yeah, yeah, anyway, kailan mo sasabihin kay Ace na tayo na?"
"Kahit di ko naman sabihin sa kaniya ay malalaman niya, he knows I like you since day one." Nakangisi kong sagot sa kaniya.
"But you know I like him." Curious niyang tanong.
"Alam ko, pero wala naman akong magagawa kung siya talaga ang gusto mo eh, hanggang ngayon ba gusto mo pa rin siya?" Seryuso kong tanong sa kaniya. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang kwelyo ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya na lang akong halikan.
"Pwede na ba yung sagot?" Nakangiti niyang tanong, mas lumaki naman ang ngiti ko at kinarga siya, saka hinalikan ulit.
Hindi ata ako papaalisin nito ah? Yari na naman ako kay Master.
"Kailangan ko na talagang umalis, sorry, sunduin na lang kita mamaya, bye." Hinalikan ko ulit siya sa labi bago mabilis na lumabas ng condo niya.
It's already 8:30, dapat ang pasok ko kay 8:00 am, naparami kasi ang kain ko ng breakfast ko kaya natagalan. Inabot na kami ng umaga sa kaka more ni Mia.
Pero ang pinagtataka ko lang ay hindi pa rin tumatawag o nagte-text si Master. Dapat kanina pa niya ako tinatadtad ng text at tawag dahil ang alam ko ay may meeting kami para sa new product na ilalabas ng company nila.
Nang makarating ako sa opisina ay kaagad naman akong binati ng ibang staff, as usual malaki akong ngumingiti sa kanila, kagaya na lang kapag kasama ko si Ace na hindi man lang ngumingiti. Pati pagngiti kinatatamaran.
Sumakay ako ng elevator at nakasabay ko ang secretary ni Ace.
"Nandiyan na ba si Boss?" Tanong ko sa kaniya.
"Good morning sir, iyan nga rin po ang ikinapagtataka ko eh, kanina pa po kami naghihintay dito pero pina cancelled niya po kaninang 3:00 am ang lahat ng meeting niya ngayong araw." Paliwanag niya.
What?
"Bakit daw?" Kunot noo kong tanong. Nagkibit-balikat naman siya.
Kaya pala hindi pa ako kino contact dahil hindi pala pumasok ang walang hiya. Kung sinabihan sana ako ng maaga ede sana nasa condo pa ako ni Mis at hanggang ngayon kinakain ko pa ang breakfast ko.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...