KABANATA 37

434 12 0
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Hindi ako mapakali habang hinihintay sina Mommy at Daddy na umuwi, kanina pa ako pabalik-balik dito sa sala at hindi huminto sa kakalakad.

"Synier, kumain kana muna, baka mamaya pa sina Mommy eh." Napatingin ako kay Manang na nag-aalala sa akin.

"I will wait for them, sabay na lang kaming tatlo ang kakain." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at umalis na sa harapan ko.

Napa-upo ako sa couch at kinuha ang cellphone ko, I dialed my Moms number. Naka ilang ring yun bago niya sinagot.

"Hey Honey, what's wrong?" Tanong niya kaagad.

"Anong oras po kayo uuwi?" Tanong ko dito.

"Baka hindi kami maka-uwi ngayong gabi eh, hindi pa tapos ang meeting," sagot niya naman. Naririnig ko nga sa background na nasa meeting pa siya.

"S-Sige po." Wala akong naga kundi ang ibaba ang tawag. Paano kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila dahil sa pangingialam nila? Paano na?

Habang nakahiga ako sa couch ay bigla na lang nag vibrate ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

Nang makita ko kung sino yun nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

Bakit naman tumatawag 'to? Dati naman hindi niya ako tinatawagan eh.

Naalala ko na naman yung nangyari sa amin ni Mia. Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kaniya matapos niya kaming tulungan.

Kaya kahit labag sa loob kong sagutin ang tawag ay ginawa ko pa rin. Hindi ako nagsalita matapos kong sagutin ang tawag.

["Hey, are you there?"]

"What do you want?" Malamig kong tanong.

["Come to my house, I need to ask you something."] Utos niya na para bang asawa niya pa rin ako.

"Bakit hindi mo na lang dito itanong?" Inis kong tanong sa kaniya.

["I said, come to my house."]

"Eh paano kung ayaw ko? Anong oras na 'to oh," reklamo ko pa. "Ikaw ang may kailangan, ikaw ang pumunta."

Kaagad kong ibinaba ang tawag matapos kong sabihin yun. Napahinga ako ng maluwag bago pumikit. Bigla na kang kumalam ang tiyan ko at gusto kong kumain ng beef steak, saan naman kaya ako kukuha ng beef steak sa ganitong oras?

"Manang may kaya mo pa kayang magluto ng beef steak?" Tanong ko dito pero nakahiga na siya sa kaniyang kuwarto at handa na talagang matulog. "Nevermind na lang po, good night."

Naghanap ako ng pwedeng kainin sa kusina, mayroon naman doong adobong manok na niluto kanina ni Manang kaya yun na lang ang uulamin ko. Hindi na rin kasi siya nagluluto ng marami lalo na kapag alam niyang hindi uuwi sina Mommy.

Nang kakain na sana ako ay bigla na lang akong nakarinig ng door bell.

"Kainis naman, nagugutom na ako eh." Reklamo ko.

Wala bang guard sa harap? Bakit hindi nila hinarang 'yang door bell ng door bell na yan?

Inis akong pumunta sa pintuan at inis na hinarap kung sino man 'tong walanghiya na 'to na istorbo sa pagkain ko.

"Ano bang kai-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makilala ko kung sino ang tao ngayon sa harapan ko. "Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sa kaniya. Pansin kong putla ang labi niya hindi karaniwan pero binalewala ko yun.

"Sabi mo ako ang kailangan kaya ako pumunta, that's why I'm here." Sagot naman ni Xander.

"Ano ba kasi 'yang napaka imporante mong tanong at hindi pwedeng ipa-bukas?" Nagugutom na talaga ako, bwisit.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now