N/A: Hi guys, sorry for the long update, subrang busy ko po talaga sa school, last week ng November is Finals na namin kaya hindi na naman ako makaka-update, kaya pagpasensyahan nyo na ang bagal ko mag update. Babawi naman po ako hehe, for now ito lang muna. Mahal ko kayo palagi. Mwuah 😽❤️
This chapter is dedicated to Ms. 321Aeiou 😽❤️
___
SYNIER FRUXELL
"Don't be so happy tonight," nakangisi niyang bulong sa akin habang nag-uusap ang pamilya namin. "Because I don't like you."
Ano bang nasa utak nito? Gusto ko siya? Ang kapal naman ng mukha niya. Oo na, gwapo na siya sa personal, pero that's not the bases, hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya.
"I don't like you either." Bahagya akong ngumiti sa Lola niya ng tumingin ito sa akin, nginitian niya naman ako.
Sana lang mabait itong Lola at Lolo niya.
"After the wedding, Synier will live at Xander's house," his grandfather said. "Mas mabuti na rin yun para habang maaga ay masanay sila sa isa't isa." Dagdag pa nito na lalong dumagdag sa pagkainis ko.
May sariling bahay huh.
Paniguradong mag-aaway kami araw-araw nitong lalaki na 'to, kasagwa ng ugali, akala mo naman kung sino.
Duh, he's Xander Ace Hentrov, the handsome man in this country, the heir of Hentrov Family.
Wala akong pakialam kahit sino pa siya, ang gusto ko lang ay malaman kung anong plano nila, hindi naman siguro sila tanga para pumayag ng gano'n kabilis na ipakasal ang apo nila sa mortal na kaaway ng pamilya nila.
Hindi ko alam kung anong puno't dulo ng away nila dahil wala naman akong pakialam, pero dahil dito ay kailangan kong malaman bago ako maikasal kay Xander.
"You're so pretty, Synier, ang ganda ng mga mata mo." Puri sa akin ng Lola niya.
"Thank you po," nahihiya kong sagot. Yung mga ngiti niya ay totoong-totoo, hindi ko nakikita ang pagpapanggap doon.
"Lola na lang ang itawag mo sa akin, ilang buwan na lang din ay ikakasal na kayo ng apo ko," dagdag niya pa. Hindi na ako nagsalita kaya nginitian ko na lang siya.
Katabi ko pa rin ngayon si Xander na nakakunot ang noo habang nakatingin sa paligid, hindi pa rin kasi kami kumakain, nagugutom na ako, nandito lang kami sa sala at nag-uusap. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil tungkol lang naman yun sa business.
Paminsan-minsan lang akong kinakausap ng Lola ni Xander dahil hindi naman kami nagkikibuan nitong isa.
Mapanis sana ang laway niya.
"Why the both of you go to the garden? Or maglakad-lakad muna kayo para naman mas makilala nyo pa ang isa't isa." Napapikit ako sa biglang pagsalita ni Mommy.
Ayaw ko ngang makasama 'to tapos ganito pa ang mangyayari. Patayin nyo na lang ako.
Naunang tumayo si Xander, napatingin ako sa kaniya ng ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, halata sa mukha niya ang pagkairita dahil nakakunot ang noo niya.
Kahit labag sa loob ko ay tinanggap ko ang kamay niya, para lang makita nila na totoong pumapayag ako. Inalalayan niya akong tumayo at hindi niya na binitawan ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng garden, halos wala ng tao doon, maliban na lang sa mga kaibigan ni Xander dahil wala naman akong kaibigan.
"You don't have friends?" Tanong niya bigla ng makitang halos wala ng tao.
"I don't want a friends." Sagot ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung bulag ka ba o tanga." Bulong ko, narinig niya siguro kaya binitawan niya ang kamay ko at huminga ng malalim.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...