MIA PAULINE NIEZ
"Kuya, nasaan na po si Angel?" Tanong ni Zian kay Zach.
"Patay na ata yun!" Sagot naman ng isa.
"Zach, ano ba? Bata pa yun eh!" Inis kong sagot sa kaniya.
"Masama ang loob ko sa bata na yun, dahil sa kaniya napahamak kayo!" Sagot niya ulit.
"But she help me," pamimilit ko. Totoo namang tinulungan ako ni Angel eh. "Sigurado akong hindi niya ginusto ang ginawa niya, nakita mo ba kung paano siya umiyak sa harapan mo?" Sagot ko dito.
"Mia, pagtatalunan na naman ba natin 'to?!" Inis niyang tanong sa akin.
Napahinga ako ng malalim bago tumayo at pumunta sa kuwarto ko. Inis akong humiga sa kama.
Gusto ko ulit hanapin si Angel, nasaan na kaya siya? Baka nasa kalsada na naman siya at nanlilimos. Bata pa si Angel para gawin yun, deserve niya ng magandang buhay.
Pero wala akong magawa, oo may kasalanan siya at muntik na kaming mawala sa mundong ibabaw, pero kahit hindi niya naman gawin yun ay mapapahamak at mapapahamak kami, dahil Jinzu ang kalaban namin.
Habang nakatitig sa kisame ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko naman yun ay number ni Red ang bumungad sa akin.
"Hey?" Sagot ko.
["Where are you? I need to talk to you right now."]
"Okay." Tipid kong sagot.
Mabilis akong nagbihis para pumunta sa mansion, pagbaba ko sa sala ay nando'n si Zach at nanunuod kasama si Zian, ang Mama niya naman ay nagluluto sa kusina kasama si Manang.
Since namatay ang Daddy ni Zach, dito ko na sila pinatuloy, ayaw pa sana ni Zach dahil nga ako yung babae, pero wala silang nagawa dahil nasa delekado ang buhay ko.
"Punta muna ako sa school, may kailangan akong ayusin." Sabi ko kay Zach dahil hanggang ngayon galit pa rin ako sa kaniya.
"Ihatid na kita," tumayo na siya pero pinigilan ko.
"Kaya kong mag-drive." Sagot ko naman.
Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na din ako, dala ang susi ng kotse ko, nasa kotse na rin kasi yung pampalit ko mamaya.
Nang nakarating ako sa mansion ay kaagad akong pumunta sa opisina ni Red, lagi na kasi siyang nandito, hindi ko alam kung anong ginagawa niya.
"Seat." Utos niya. Sumunod naman ako bago tinanggal ang mask ko. "Don't remove your mask." Mahina niyang bulong.
"Ang init eh," reklamo ko. Pero wala pa rin akong nagawa kundi isuot yun. "Bakit pala gusto mo akong makausap?"
"About Angel." Sagot niya na ikinataka ko.
"What about her?" Gulat kong tanong.
"Ayaw mo ba siyang kupkupin?" Napahinga ako ng malalim saka umiwas ng tingin, nakakahila yung mata niyang pula. "Hindi masamang tao si Angel, nagsisisi nga siya kung bakit niya kayo ipinahamak eh." Dagdag nito.
Alam ko yun.
"I know." Sagot ko.
"Wala siyang pamilyang uuwian, nasa kalsada lang siya at nanlilimos,"
"Alam ko din," napasandal ako sa inuupan ko at tumingin sa kaniya ng deritso. "Bago ko pa kunin si Angel, alam ko na ang plano niya, from the start, she just follow Jinzu for her not to die, alam ko nang ipapahamak niya kami, yun lang talaga ang paraan ko para maging pain nila at tuluyan natin silang matalo, pero hindi ko sinabi kay Zach kaya hanggang ngayon galit siya kay Angel."
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...