KABANATA 33

603 18 3
                                    

A/N: another late update. Sorry ulit :(

___

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Banta ba yun o babala?

Kagabi pa ako hindi makatulog sa sinabi ni Zach, iniwan ko na nga si Zander doon sa couches dahil ayaw ko na siyang pakialam sa buhay niya. Nakakapagod na siyang alagaan.

Pagod nga ba?

Okay hindi na, gusto siyang alagaan pero natatakot ako, natatakot ako na baka iba ang ibalik niya sa akin. Natatakot na akong hawakan siya, nandidiri na ako sa kaniya. Hindi ko na alam.

Mulat na mulat pa rin ako hanggang ngayon. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang nga sinabi ni Zach kagabi nang may marinig akong katok sa kuwarto ko.

Ayaw ko sanang sagutin at papasukin at magkunwari na lang na tulog. Pero naalala ko may pasok pala si Xy. Papasok na naman siya.

"Palabas na ako." Sagot ko sa kaniya.

Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto, hindi ko na tiningnan kung anong itsura ko sa salamin pero alam kong mukha na akong patay dahil wala akong tulog.

"Good morning Mommy." Bati ni Xy at medyo inaantok pa din.

"Good morning too." Balik bati ko.

Mas maganda sigurong kay Xy ko na lang itutok ang attention ko.

Nang makababa na ako ay kaagad na akong nag-aasikaso ng almusal namin. Hindi ko alam kung nandito pa ba sa bahay si Xander o umalis na namam kaagad at kung saan-saan na naman pumunta.

"Mommy, gusto mo na bang umalis sa bahay na 'to?" Deritsong tanong ni Xy habang kumakain.

Napatigil naman ako sa pagkain ng itanong niya yun.

"Sino namang nagsabi sa'yo niyan?" Mahinahon kong tanong.

"If you want to leave, just leave, it's for your own sake, wag mo na akong alalahanin, kaya ko po ang sarili ko." Sagot niya naman.

How can I leave if he acting like this?

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang.

XYLO ACE HENTROV

After my Mom drop me at school, kaagad akong pumunta sa secret gate sa likod ng school, nando'n na yung sasakyan na naghihintay sa akin para pumunta sa mansion.

"Good morning, Xy, how's your school?" Tanong ni ate Violet.

"Are you joking?" Maldito kong tanong sa kaniya.

"Joke lang, hindi tayo pupunta ng mansion, kailangan nating manuod ng isang laban." Sabi niya naman.

Napataas ang kilay ko pero wala na akong nagawa. Sinuot ko abg maskara ko at nagbihis ng damit.

I know that this is not right. Lagot talaga ako kay Mommy kapag nalaman niyang hindi ako pumapasok sa school, pero sabi naman ni Mommy Red, she can handle it.

Nasanay na kong tawagin siyang Mommy kagaya ng gusto niya, although yun naman talaga ang gusto niya.

Nang huminto ang sasakyan namin ay taka kong tiningnan si ate Violet. It's not the mansion, it's a fucking forest.

"What are we doing here?" I ask, does she want to torture me?

"Wala akong gagawin sa'yo, tara na, naghihintay na sila don." Sagot niya naman.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at sabay na kaming pumasok sa masukal na daan. Doon ko lang napansin na marami palang kotse ang nandito ngayon, I saw a familiar car pero hindi ko na kinilala pa dahil nagmamadali kami. I swear, I know that black car, I saw it somewhere.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now