SYNIER FRUXELL-HENTROV
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Xander, kanina pa rin siya taranta nang tumawag sa akin ng mabasa ang text ko. Palinga-linga pa ako sa paligid ng mansion kung may kakaiba ba, although maraming security guards dito aa mansion.
"You look so worried Mommy, what happened?" Hinawakan ni Xy ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"I'm okay, I just want to go home and sleep, I'm tired." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
"No, you look scared, I know there's something wrong kanina pa nung may kausap ka sa phone, nag-away po ba kayo ni Daddy?"
"Hindi, we're okay." Sagot ko naman.
After a minute ay dumating na din si Xander. Mabilis kong hinila si Xy papasok ng kotse dahil sa takot.
"What happened?! Hindi ba sinabihan na kitang huwag kayong lalabas ng bahay?!" Sigaw niya sa akin pagkapasok namin.
Napayuko naman ako dahil alam kong may mali din ako, hindi na lang ako nagsalita dahil wala na din naman akong maipapalusot sa kaniya.
"Ang kulit mo, para kang bata, ang simpleng bilin hindi mo magawang sundin!" Sabi niya pa habang nagmamaneho.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana dahil sa hiya, para akong sinaksak sa puso, ang hirap huminga, para akong batang pinapagalitan ng nanay dahil may nagawa akong mali.
Ayaw ko siyang tingnan dahil baka kapag nagsalubong ang mga mata namin ay bigla na lang akong umiyak. Narinigko siyang napahinga ng malalim kaya napayuko na naman ako.
"Tsk, paano mo nasabing may gustong pumatay sa'yo?" Tanong niya bigla, hindi pa rin ako humarap sa kaniya.
"M-May tumawag sa akin kanina, I don't know her." Sagot ko naman sa kaniya.
"Babae?" Tanong niya kaya tumango naman ako.
"Hindi mo ba nakilala?" Umiling ako bilang sagot. Sandali siyang natahimik na para bang may malalim na iniisip.
"This is the first time I encounter threatening in my life, hindi ko alam paano niya nalaman ang number ko, hindi ko din alam kung bakit gusto niya akong patayin, wala naman akong naalalang mayroon kong kaaway or inaway." Sagot ko sa kaniya.
Hindi siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Mabilis na bumaba si Xy ng kotse at pumasok ng kuwarto niya para magpahinga.
Gano'n din naman ang ginawa ko dahil nandito pa rin ang takot sa katawan ko, what if totoo talagang may gustong pumatay sa akin? Dahil ba sa yaman namin or may iba pang reason? Kung ano man yun, kailangan kong malaman, ayaw ko pang mawala ang buhay ko, kaya hangga't maaari ay malaman ko na kaagad kung ano ba talaga ang puno't dulo nito.
Hindi ko na magawang kumain at harapin si Xander matapos ng nangyari. Basta ang alam ko lang nung gabing yun pagod na pagod ang katawan ko dahil sa takot kaya mabilis akong nakatulog.
Nagising ako ng hating gabi, akala ko umaga na pero ng makita ko ang wall clock ko ay alas tres pa lang ng madaling araw. Nakaramdam naman ako ng pagka uhaw kaya lumabas ako ng kuwarto ko para pumunta sa kusina.
Pagbaba ko ng kusina ay nakabukas pa ang ilaw. Hindi pa ba tulog si Xander? Kaagad akong pumunta ng ref para kumuha ng tubig, wala din namang tao dito, baka nakalimutan lang patayin ni Xander.
Nung paakyat na ulit ako sa kuwarto ko ay napansin ko ang bahagyang nakabukas na pinto sa opisina ni Xander. Dahan-dahan naman akong naglakad papunta roon para sana isara yun pero may kung ano sa akin na gustong alamin kung anong mayro'n sa opisina niya na 'to.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...