KABANATA 67

408 7 3
                                    

MIA PAULINE NIEZ

"Angel, dito ka lang ha, samahan mo muna sila Tita." Bilin ko sa kaniya. Nandito sila Tita sa mansion kasama si Zian, dito muna sila pinapunta ni Zach.

Marami namang securities dito kaya wala na sigurong makakapasok.

"Kailan po kayo babalik?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, pero pangako, babalik ako." I kiss her forehead before leaving.

Kaagad akong sumakay sa kotse ko bago nagmaneho papunta sa mansion.

Si Zach naman ay wala sa mansion kaya mabilis akong nakaalis, hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil baka di yun pumayag na umalis ako.

Nagpaalam siya sa akin kanina na pupunta ng palengke at hindinaman niya sinabi kung anong bibilhin. Kaya kinuha ko na rin yung pagkakataon para umalis.

Nang makarating ako sa mansion ay kaagad akong sinalubong ni Blue.

"Tagal mo nawala ah, anyare sa'yo?" Tanong niya.

"Wala kang pake." Sagot ko naman sa kaniya.

"Taray mo talaga." Natatawa niyang sabi bago ako iniwan.

Dumeritso naman ako kay Purple at Brown na busy sa pag-uusap.

"Dala mo ba ang mga armas mo?" Tanong sa akin ni Purple.

"Nasa kuwarto ko," sagot ko.

"Kunin mo na, mamaya lalabas na si Miss Red sa kuwarto niya, inaayos na nga namin lahat eh." Singit naman ni Brown.

Tumango ako sa kanila bago naglakad paakyat sa kuwarto ko. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay napahinga ako sa kama ko.

Mami-miss kita, sana hindi pa ito ang huling higa ko dito.

Mabilis din ang tumayo at kinuha ang malaking box sa ilalim ng kuwarto ko. Pagkabukas ko nun ay kaagad bumungad sa akin ang baril na lagi kong ginagamit, ang baril na binigay sa akin ni Miss Red, hindi lang isa, kundi dalawa.

Kaagad na din akong nagbihis, inilagay ko lahat ng armas ko sa katawan ko, mayro'n sa dalawang hita kong baril at kutsilyo, mayro'n namang pana sa likuran ko.

Dahil hindi ko nagagamit ito no'ng nga nakaraang araw, ngayon ko siya gagamitin.

Nilagyan ko rin ang balot ang katawan ko kung sakali mang mabaril ako ay hindi tatagos sa katawan ko.

Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako, nakasabay ko pa si Pitch na kagaya ko din ang outfit.

"Ready?" Nakangiti niyang tanong habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

"Ready." Sagot ko naman.

Kaniya-kaniyang ayos naman ang iba naming mga kasama, ang iba ay sinisiguradong marami silang dalang bala.

Hindi lang din pala ako ang nagdala ng pana, kundi yung iba ko ring mga kasama. Yung iba pa nga ay chaco at iba pang pwede nilang gamitin, karamihan lang ay baril at kutsilyo.

"Lahat ng mga may dalang pana, pumunta kayo dito sa kabilang side!" Sigaw ni Purple na siyang nasa unahan kasama si Miss Red.

Nandiyan na pala siya, hindi ko man lang napansin.

"White, sa'yo ko inaatas na pangunahan lahat ng mga may dalang pana." Tumango naman ako kay miss Red bago naglakad papunta sa harapan ng mga kasamahan ko.

"Lahat ng mga may dalang latigo, dito sa gitna!" Sigaw naman ni Brown na isa rin sa mga may dala ng latigo.

"Ang natira ay dito sa kabila!" Sigaw ni Miss Red.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now