KABANATA 60

433 10 3
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"No!!!" Rinig kong sigaw ni Llander mula sa loob ng opisina ng Daddy niya.

Dapat lang 'yan sa'yo!

Lumapit sa akin si Ace pero hindi nagsalita. Nakasandal ako sa pinto papunta sa pool habang si Mia at Zach naman ay nag-uusap at pinapatigil itong umiyak kasama ang kapatid niya.

"Pagkatapos nito, anong plano mo?" Tanong ko kay Ace.

"What do you mean?"

"Babalik ka pa ba sa pagiging masama?" Walang prenong tanong ko.

"Kailangan kong mahanap ang Black diamond na pag mamay-ari ko," Sagot niya naman at bumuntong hininga. "It's part of my childhood, kaya kailangan ko yung mabawi." Sagot niya at tumingin sa mga mata ko.

Hinding-hindi ko yun ibabalik sa'yo.

"Okay." Tipid kong sagot at umayos na ng tayo handa ng umalis.

"Hindi mo ibabalik sa'kin?" Pahabol niyang tanong.

"Baka nakakalimutan mong nandiyan sa'yo ang Red Necklace ko?" Sagot ko naman sa kaniya.

Hindi siya sumagot kaya naglakad na ako paalis. Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa batang babae na nakatayo malapit sa pinto.

Maya-maya pa ay nagulat ako ng bigla na lamang sugurin ni Zach yung bata.

"Zach!" Tawag naming lahat nang bigla niya itong kinwelyuhan kaya walang tigil sa pag-iyak ang bata.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to, kasalanan mo kung bakit nandito ngayon ang kapatid ko at ang girlfriend ko!" Sigaw ni Zach.

Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari, bakit kasalanan nung bata?

"Nagtiwala kami sa'yo, pero anong iginanti mo?!" Sigaw ulit ni Zach.

"Zach, tama na, nasasaktan na si Angel." Awat sa kaniya ni Mia.

Lumapit din ang kapatid ni Zach sa kanila para pigilan ang kuya niya.

"Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin!" Binitawan ni Zach ang bata dahilan para mapa-upo ito sa sahig.

"S-Sorry po," sagot naman ng bata habang umiiyak. Wala ni isang lumapit sa bata para tulungan itong tumayo.

Ano bang nangyari?

Umiiyak lang si Mia at si Zian habang nakatingin sa batang babae, habang patuloy naman sa paghingi ng tawad ang bata.

"Paalisin nyo na yan, baka kung ano pang magawa ko sa kaniya!" Galit na banta ni Zach bago naglakad palabas. Sumunod naman sa kaniya si Mia at Zian.

Wala akong nagawa kundi lapitan ang bata, tinulungan ko siyang tumayo pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Tahan na, galit lang si kuya Zach." Sagot ko dito at pinunasan ang luha niya.

"S-Sorry po," sagot niya sa akin. "H-Hindi ko naman po ginustong isumbong sila eh," mas umiyak pa siya lalo. "Sabi kasi ni sir Llander papatayin niya ako kapag hindi ko siya sinunod," umiling-iling pa siya habang patuloy na tumutulo ang luha niya. "Hindi ko po intensyon na ipahamak sila, promise po." Dagdag niya.

Hindi ko alam kong paano ko siya papatahanin dahil patuloy pa rin siyang umiiyak.

"Tahan na, kausapin na lang natin si Zach kapag hindi na mainit ang ulo niya," sagot ko dito at tumango naman siya. "Sa ngayon, umuwi kana muna sa inyo, baka hinahanap kana ng magulang mo." mabilis siyang umiling sa akin.

"Wala na po akong uuwian, wala na rin po akong mga magulang, sa kalsada lang po ako nakatira at nanlilimos," sagot niya sa akin. Pinunasan niya ang mukha niya. "Pakisabi na lang po kay kuya Zach, sorry po talaga, pati na rin po kay ate Mia at Zian, tapos po pakisabi rin na salamat kasi tinulungan nila ako at binihisan, pinakain ng masarap na fried chicken, pakisabi rin po kay Zian na masaya ako at naging kaibigan ko siya." Nakangiti niyang sabi sa akin.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now