KABANATA 65

420 9 3
                                    

ZACHARY KLIENS

"Zach, umalis ka sa samahan?" Kunot noong tanong sa akin ni James nang makita niya ako sa opisina na nagliligpit ng gamit.

"Pagod na ako, James, gusto ko naman maging matahimik ang buhay ko." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit ngayon pa? Eh mayro'n pa tayong laban eh." Inis niyang sabi at padabog na umupo sa upuan.

"Anong laban?" Taka kong tanong.

"Hindi mo ba alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?!" Inis kong ibinato sa kaniya ang lapis na hawak ko.

"Eh kasi si Master gustong kunin yung mga diamonds kay Red, kaya inutusan niya yung isang tauhan ni Red kapalit ang buhay ng pamilya niya."

"What?! Sino yung inutusan niya?!" Gulat kong tanong.

Tangina mo talaga Ace.

"I think, his name was Gray, if I'm not mistaken." Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit.

"Saan niya kinulong ang pamilya ni Gray?!" Nagtitimpi kong tanong.

"Saan pa ba? Do'n naman lagi dinadala ang mga binibihag niya." Napapailing niyang sagot.

"Lubayan mo muna ako James, naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo." Inis ko siyang tinulak palabas ng opisina ko.

"Baka naman kasi magbago pa ang isip mo, wag kana umalis!" Nakanguso niyang sabi.

"Hindi bagay sa'yo, nakakadiri ka!"

"Teka lang, may sasabihin pa ako," humawak siya sa pinto kaya hindi ko siya natulak ng lubusan. "Gusto ko na ring umalis." Bulong niya kaya napahinto ako.

"Gusto mo bang mamatay?!" Galit kong tanong sa kaniya.

"Kagaya mo pagod na rin ako, Zach alam mo kung anong pinagdaanan natin kay Ace, hindi ko na kaya, ang dami ng inusinti ang nadadamay." Bulong niya ulit.

"Ede umalis ka, pero alam mo kung anong kakaharapin nating dalawa kapag ginawa mo yan." Tumango naman siya.

"Bahala na, ready naman na akong mamatay." Natatawa niyang sagot.

"Mag-usap tayo mamaya kapag tapos kana magpaalam sa kaniya, may gagawin tayong ikasasaya mo." Nakangisi kong sabi sa kaniya at nagliwanag naman ang mukha niya.

Kailangan kong mailigtas ang pamilya ni Gray, hindi pwedeng pati sila madamay sa kawalanghiyaan ni Ace.








Nang matapos akong magligpit ng mga gamit ko ay dumeritso ako sa opisina ni Ace, nakita ko siyang naka-upo sa upuan niya habang may binubuklat na folder.

"What do you need?" Malamig niyang tanong.

"I'm here just to say my goodbye," sagot ko naman at umupo sa upuan kaharap niya. "Hindi mo naman ako ipapapatay di ba?" Kunwaring natatawa kong tanong.

Ibinaba niya yung folder na hawak niya at deritsong tumingin sa akin.

"Hindi, kasi ako ang papatay sa'yo!" Sagot niya naman kaya natawa ako.

"Lalagay na ako sa tahimik, kaya sana maintindihan mo ako-"

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa ko? Hindi pa ba sapat na pinayagan kitang umalis? Na send ko na sa account mo yung perang dapat ay sa'yo-"

"Teka, wala sa usapan yun ah, at saka bakit mo pa ako binigyan? Mas kailangan yun ng kompanya nyo." Kunot noo kong sabi sa kaniya.

"Sa'yo yun, pinaghirapan mo," sagot niya naman. "Tulong ko na rin sa pamilya mo." Natahimik ako.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now