ZACHARY KLIENS
"Kuya, okay na po ba si Papa?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Zian dahil nakatitig lang ako kay Papa na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa hospital bed.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising at parang wala ng buhay dahil puro na siya makina at ang daming hose na nakapasok sa kaniya.
"Kuya, alam kong galit ka kay Papa, bad po yun di ba?" May tumulo ng luha sa mata ko at hinayaan ko lang yung tumulo.
Galit? Kahit kailan hindi ko naramdaman yun.
"Kuya-"
"Zian, lumabas ka muna, abangan mo si Mama do'n at kumain kana." Sagot ko sa kaniya ng hindi siya tinitingnan.
"Okay po." Narinig kong bumukas ang pinto hudyat na lumabas na siya. Doon na sunod-sunod na tumulo ang luha ko na hindi ko na kinaya.
Ang sakit makitang nandito si Papa sa hospital at wala ng ibang bumubuhay kundi ang mga machine na naka-kabit sa kaniya.
"Pa, sorry po," sunod-sunod kong iyak sa kaniya."S-Sorry po k-kung nagkulang ako..." I hold his hand at yumuko doon. "P-Patawarin mo'ko Pa, ginagawa ko lang namam 'to para sa inyo eh... A-Alam kong galit kayo sa akin... A-Alam kong h-hindi nyo na ulit ako mapapatawad, p-pero Pa, isang pagkakataon pa po oh... G-Gusto ko pong bumawi sa inyo..."
Iyak lang ako ng iyak dahil alam kong di naman siya sasagot. Patuloy akong umiiyak habang hawak ko ang kamay niya. Ang dami ko pang gustong sabihin pero hindi ko magawang ilabas lahat dahil nasasaktan ako.
Maya-maya pa ay naramdaman kong gumalaw ang kamay niya, kaya dali-dali akong napatayo kahit tumutulo pa ang luha ko sa mata.
"P-Pa?" Tawag ko dito, pero patuloy lang sa pag-galaw ang kamay niya. "P-Pa?!" Pilit ko siyang ginigising pero bigla na lang siyang nanginig.
Kaagad kong pinindot ang emergency button dito sa kuwarto niya para tumawag ng doctor.
Patuloy ako sa pag-iyak dahil hindi ko alam ang gagawin ko, patuloy na gumagalaw ang katawan niya na parang nasasaniban na kung ano.
"Sir, sa labas po muna kayo." Sabi sa akin ng isang nurse.
"Papa?!" Tawag ko pa habang tinutulak ako ng nurse sa labas.
Nakatingin lang ako sa labas ng pinto habang may ginagawa sila kay Papa, hindi ko marinig kung anong sinasabi nila.
"Zach, anong nangyari?!" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.
"Kuya, si Papa?" Tanong naman ni Zian at umiyak na rin ng makita akong umiiyak.
Hindi ko sila nasagot dahil maging ako ay hindi rin alam ang nangyayari kay Papa.
Gusto kong sumigaw at ilabas ng lahat ng sakit na 'to, pero hindi ako pwede dito.
Umiiyak akong tumakbo papunta ng rooftop. Habang tumatakbo ay wala na akong pakialam sa mga nadadaanan ko.
"Zach?!" Rinig kong tawag sa akin ng kung sino, pero hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan papunta sa rooftop.
Nang makarating ako doon ay kaagad akong sumigaw habang patuloy na tumutulo ang luha ko sa mata.
"Papa!!!" Sigaw ko. "P-Papa..."
Please Pa, gumising kana, babawi ako, kailangan ko pang bumawi sa'yo.
Nasipa ko ang isang karton na malapit sa akin dahil sa galit sa sarili ko. Kasalanan ko 'to.
"Pa..." Napa-upo ako sa sahig at napasandal sa pader.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...