KABANATA 75

231 6 4
                                    

A/N: hi, this chapter is more on Flashbacks ng mga characters. Enjoy reading, also comment your thoughts hehe. Kamsamnida 🫶

____

XANDER ACE HENTROV

"Ace, puntahan mo muna si Synier."

"Why me?"

"Ace, kaibigan mo si Synier okay? Umiiyak siya do'n sa playroom mo, hindi mo kasi pinahiram ng baril-barilan mo eh." My mom tap my head at ginulo ang buhok ko.

"Eh hindi naman po siya lalaki eh, dapat barbie ang nilalaro niya." Sagot ko kay Mommy.

"Ace, wala kang laruan na Barbie, what are you supposed to do?" Napahinga ako ng malalim sa inis.

Bakit kasi pumupunta pa sila ng Mommy at Daddy niya dito sa mansion eh. Pati tuloy ako pinapagalitan ni Mommy.

"Ace?"

"Yes Daddy, I will go with her." Wala naman akong choice kundi ang puntahan siya.

Kahit labag sa loob ko ay pinuntahan ko siya sa playroom ko, kung saan ako madalas naglalaro.

Nang malapit na ako sa playroom ay naririnig ko na ang iyak niya dahil nakabukas ang pinto nun.

Naglakad na ako palapit sa kuwartong yun at palakas ng palakas ang iyak niya.

"Hey!" Tawag ko dito, nakayuko siyang umiiyak at nakasiksik sa isang sulok.

"Don't go near me!" Sigaw niya pero di naman ako tinitingnan.

"You're so cry baby." Maldito kong sagot sa kaniya at mas lalo naman siyang umiyak na ikinainis ko.

Naiirita ako sa boses niya, ang ingay-ingay.

"Can you please stop crying?! It's just a toy!" Inis kong sabi at lumapit sa kaniya.

"Ang damot mo." Bulong niya pero narinig ko naman.

Naglakad ako palapit sa kaniya at huminto sa harapan niya.

"Tumayo ka na nga diyan." Utos ko pero hindi niya ako pinapakinggan.

"Get out!" Sabi niya at tinuro pa ang pinto.

"Baka nakakalimutan mong akin itong kuwarto na 'to." Nakangisi kong sagot.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at nang magkasalubong ang nga mata namin ay masama niya akong tiningnan. Punong-puno ng luha ang kaniyang mukha at basang-basa ang mataba niyang pisngi.

Ang cute.

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak." Kunwari kong inis na sabi.

"This is your fault! Hindi ka nagpapahiram ng laruan," sagot niya. "Hindi mo na nga ako sinasali sa laro mo tapos di mo pa ako papahiramin." Mas lalong lumubo ang pisngi niya dahil sa pag simangot niya.

"Because it's for a boy, you're a girl, you're not supposed to play with me."

"Why? Porque ba babae ako bawal na ako humiram ng baril-barilan mo?" Umiyak na naman siya.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now