MIA PAULINE NIEZ
"Ate Mia, natatakot ako." Umiiyak na bulong sa akin ni Zian.
"Wag kang mag-alala, ililigtas tayo ng kuya mo." Pampalibag loob ko sa kaniya.
"Paano po kapag saktan siya ng mga masasamang tao? Hindi niya po tayo maliligtas?" Umiiyak niyang tanong.
"Shhh, wag kang mag-isip ng ganiyan, ililigtas tayo ng kuya mo kahit anong mangyari." Pati ako ay kinakabahan na rin.
Natahimik kaming dalawa nung marinig naming may bumubukas ng pinto kung saan kami kinulong.
Takot na takot si Zian habang nakatingin sa pinto at patuloy na sinisiksik ang sarili sa akin. Sa sahig lang kasi kami naka-upo na tinalian ang mga kamay namin sa likod kaya hindi kami makakilos.
"Tanggalan ng tali yan!" Utos ni Llander sa mga tauhan niya.
"B-Bakit? Anong gagawin nyo?!" Kinakabahan kong tanong.
"You need to sign this paper!" Sagot niya naman.
Lumapit sa akin yung mga tauhan niya at tinanggalan ako ng tali.
"Paano kong ayaw ko?" Matigas kong sagot sa kaniya.
Isang sampal ang natanggap ko galing sa kaniya, nalasahan ko kaagad ang dugo na nanggagaling sa bibig ko. Iyak naman ng iyak si Zian habang tinatawag ang pangalan ko.
"Ngayon ka pa talaga nagmamatigas eh mamatay ka na?!"
"Ede patayin mo, wala akong pakialam, mamatay man ako ngayon o hindi, hinding-hindi ko pepermahan yan!" Sagot ko sa kaniya.
Hindi ko pinahalat na kinakabahan ako nung ilabas niya ang baril at tinutukan ako.
"Kill me!" Sigaw ko.
"Wag po!" Sigaw naman ni Zian. "Ate Mia!!" Umiiyak na tawag niya. "Wag nyo po siyang barilin!"
"Kill me," pinanlakihan ko siya ng mata. "Tutal diyan ka naman magaling eh, ang pumatay!" Natatawa kong sabi sa kaniya.
Namumula na ang mukha niya sa inis at galit at kunting-kunti na lang ay sasabog na siya.
"Fuck you!" Inis niyang binaba ang baril at lumabas kasunod ng mga tauhan niya.
Mabilis naman akong lumapit kay Zian at tinaggal ang tali ng kamay niya.
"A-Ate," umiiyak niya akong niyakap.
Ramdam kong ang takot na nararamdaman niya dahil maging ako ay takot rin.
Please, Zach, rescue us.
Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, para saan pa ang pagiging White ko kung hindi ako lalaban ngayon? Hindi ko sila kaya.
Patawarin mo'ko Red, hindi ko kayang lumaban ng wala ka.
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
["Mommy, sinasaktan si ate Mia."] Naalarma kaminh lahat sa biglang pagsabi ni Kahel.
["It's Llander."] Sagot naman ni Brown.
"James, ano nang nangyayari diyan?" Tanong ko dito.
["Still working, hindi kami makapasok sa loob ng mansion, maraming bantay sa likod ng kusina."] Sagot niya naman.
["Miss Red, anong gagawin natin?"] Taning naman ni Gray.
"Standby." Sagot ko.
["Fuck, hindi tayong pwedeng magtagal ng ganito, nasa panganib si Mia at ang kapatid ko!"] Sigaw ni Zach.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...