A/N: hi, miss you'll purple hotdogsss, one week akong walang update right? Sorry busy sa school nun eh, midterm kasi namin. Nga pala, stay safe guys wag kayong magpaulan ha, ingat kayo palagi, mahal na mahal ko kayo, mwuah ^^ enjoy reading<3
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
"X-Xy?" Halos hindi ko alam ang gagawin ko, di ko maikilos ang mga paa ko. Gustong-gusto ko siyang puntahan at takbuhin dahil nakahiga na siya sa sahig.
"Xy?" Tanong ni Ace at tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Xy. "Let me go!" Sigaw niya. Nabitawan din naman siya nila Zach at Brown dahil pati sila ay nagulat din.
Nang maikilos ko na ang katawan ko ay kaagad akong tumakbo papunta kay Xy at kinuha siya mula kay Ace.
"Kahel, wake up!" Sigaw ko at iniunan siya sa hita ko.
No, no, no. It can't be happened.
"Fuck, Red! Who's that?!" Galit na sigaw ni Ace.
Hindi ako makagalaw habang nakatingin kay Xy na nakahiga sa hita ko.
Hindi na nakatiis si Ace kaya mabilis niyang tinanggal ang maskara ni Xy, nanlaki ang mata niya at sunod-sunod na tumulo ang luha ng makita ang mukha ni Xy nahihirapan ngayon.
"Fuck!" Sigaw niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag.
Sunod-sunod ring tumulo ang luha ko nang makita kong halos hindi na makahinga ng maayos si Xy.
"Purple!" Sigaw ko at mabilis naman siyang tumakbo sa akin. "Alisin nyo dito si Xy, bilis!" Hindi pa man nakakatayo si Purple ay inunahan na siya ni Ace, mabilis niyang inagaw ang baril sa kung kaninong nasa malapit sa kaniya at sunod-sunod yung ipinutok sa Lolo niya.
"Hayop ka!" Sigaw ni Ace at hindi tumitigil hangga't hindi nauubos ang bala ng baril na hawak niya.
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko, may tama na ng bala si Ace sa katawan galing sa kabila, habang ang Lolo naman niya ay nakahiga na sa sahig.
"Purple!" Sigaw ko. Mabilis nilang binuhat si Xy kasama si Brown at tumakbo na palabas.
Tumayo na rin ako para tulungan si Ace, hindi ko na iniisip kung may tatama bang bala sa katawan ko dahil ang gusto ko na lang ay matapos na lahat ng 'to.
"Miss Red!" Sigaw ni Brown at kaagad akong itinulak patagilid kaya nabunggo ko si Ace at sabay kaming natumbang dalawa.
Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ni Ace dahil sa magkahalong galit at takot. Alam kong kagaya ko, takot din siya sa pwedeng mangyari kay Xy. Natatakot ako para kay Xy hindi para sa sarili ko dahil alam kong bilang tumatayong pangalawang ina ni Xy, nagkulang ako.
Sorry Red, nabigo na naman kita.
Hindi ako karapat-dapat maging ina ni Xy, hindi dapat ako ang tawagin niyang mommy, dahil hindi niya deserve ang kagaya kong hindi marunong mag-alaga ng anak.
Mabilis na akong tumayo at bumalik sa pakikipagpalitan ng bala. Halos paubos na sila at gano'n din kami. Nakaramdam ako ng hapdi sa balikat ko at nang tingnan ko yun ay may tama ako sa kaliwa kong balikat.
Kung dito man ako mamamatay, mabuti na 'to kaysa maghirap pa ako.
Kita ko ring tumayo si Ace kahit may tama na rin siya ng bala sa magkabilabg braso at tagiliran niya, mga daplis lang at ang nasa tagiliran at balikat niya lang ang may bala pa. Pero kagaya ko ay hindi rin siya nagpa apekto dahil ramdam ko ang galit sa dibdib niya.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...