A/N: sorry for the long update, busy lang po sa school hehe. May maganda akong balita HAHAHAHA siyempre maganda na ako HAHAHAHA anyway, 1st place ako sa poem writing na sinalihan ko huhu, I'm so proud of myself, kala ko di na ko mananalo eh HAHAHAHA. Yun lang skl.
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
Pagkatapos naming mag-usap ng babae na yun ay umuwi na ako, nakalimutan ko pa lang itanong sa kaniya kung anong pangalan niya.
Nakakapagtaka lang dahil yung maskara niya ay kagayang-kagaya sa mga naka-maskara noong pumunta kami sa isang Mall dahil may event doon at bigla na lang nagkagulo at lumitaw ang kung sino-sino.
Hindi kaya kalaban siya ni Xander? Hindi kaya isa siya sa nga nando'n? Pero bakit niya pa ako tinulungan? Dapat di ba pinatay niya na ako at ginamit na pain para kay Xander?
Napahinto ako sa pagpasok sa bahay nang biglang pumasok sa ala-ala ko yung ginawang pagpatay ni Xander sa babae kanina. How can he be so rude like that? Hindi lang siya basta isang masamang tao, mamamatay tao pa.
Paano mamahalin ang isang kagaya niya?
Lumuluha akong pumasok ng bahay, parang ang hirap na ihakbang ang mga paa ko papasok dito, isang kriminal ang kasama ko. Sa huli ay wala din akong nagawa kundi ang pumasok sa bahay.
Paakyat na ako sa kuwarto ko ng bigla naman may mag doorbell. Alam kong si Xander yun dahil wala pa yung kotse niya pag-uwi ko, mabuti na lang at hindi niya ako naabutang wala dito sa bahay.
Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pwede niya yung buksan, ayaw ko pa siyang makita, hindi ko pa kaya.
Hahakbang na ulit sana ako paakyat pero may bigla na lang sumigaw sa labas.
"Synier, gising ka pa ba?!" Boses yun ni Zach, dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto para pagbuksan siya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Xander na hawak-hawak ni Zach sa kaniyang balikat.
"Anong nangyari diyan?!" Taka kong tanong. Nasugatan ba siya?
"Wag ka mag-alala, lasing lang siya." Sagot naman niya. Pumasok siya sa loob ng bahay at inalalayan si Xander papunta sa couch.
"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan ba kayo galing at lasing na lasing yan?" Kunwari kong tanong.
"Napadami lang ang inom niya, may problema ata eh, nag-away ba kayo?"
Sinungaling.
"Wala naman, ang aga niya nga umalis kanina eh," sagot ko. Pati sa'yo Zach, ang hirap na ring magtiwala.
"Kausapin mo na lang siya bukas, kailangan ko na talagang umuwi." Sagot niya naman.
Hinatid ko naman siya hanggang sa labas ng pinto at nagpaalam na. Pagbalik ko sa couch ay gano'n pa rin si Xander at tulog na tulog.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa'yo. Ang sama mong tao.
Baka tama nga yung babae kanina.
"Alam mo Synier, minsan gusto ko na lang maging stars sa langit, liliwanag kapag madilim." Napatingin naman ako sa langin. Walang buwan pero maraming stars.
"Ako, gusto ko lang maging masaya." Sagot ko dito.
"Sa buhay na pinasok mo ngayon, hindi ka magiging masaya, kasama mo ang hari ng impyerno eh." Natatawa niyang sagot.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...