KABANATA 64

416 9 6
                                    

PURPLE

"Hindi ka ba matutulog?" Tanong sa akin ni Brown nang madatnan niya ako sa sofa dito sa mansion.

"Hindi, kailangan ko pang tapusin ang reports ko." Sagot ko naman dito.

"Ano ba 'yan, doctor ka na nga, tapos may reports pa?" Natatawa niyang sabi.

"Kapag naghihingalo kana, hindi talaga kita gagamutin!" Inirapan ko siya pero tumawa lang siya.

"Hoy joke lang, ito naman di mabiro." Lalo ko naman siyang inirapan kaya umalis na siya sa harapan ko.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, mas gusto ko ngang dito gumawa ng reports ko kaysa sa condo ko para naman hindi ko maramdaman na ako lang mag-isa, tapos manggugulo pa itong Brown na 'to.

"Oh tubig, uminom ka muna." Nagulat ko ng ilahad sa akin ni Brown ang tubig sa baso.

"Wala bang kapalit 'yan?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Huh?"

"Eh kasi ngayon ka lang naging mabait sa akin, lagi mo akong inaaway eh." Napakamot siya sa batok niya kaya kinuha ko na yung baso sa kamay niya.

"Ang cute mo kasi asarin eh, ang bilis mo mapikon." Natatawa niyang sagot kaya inirapan ko siya.

He finds me cute?

"So nac-cute-an ka sa akin?" Pabiro kong tanong sa kaniya at handa na siyang asarin ulit.

"A-Ahmm... Sige do'n muna ako." Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya natawa ako ng subra.

Is he likes me?

Napailing ako ng tatlong beses dahil sa naisip ko, imposible.

In my young age, I became a doctor, not just an ordinary doctors, but the people in this mansion, they thought I was just a doctor, pero ang totoo hindi lang ako basta-basta doctor.

I am Nathalie Lopez, a famous younger doctor in our town. The only daughter of Nathan and Halie Lopez, the famous Doctor.

How I become Purple? Siyempre sa tulong ni Red. Lahat naman siguro kami tinulungan niya kaya nandito kami ngayon. Hindi ako magku-kwento kung bakit ako napunta sa lugar na 'to, pero this place made me realize that I'm not alone, nasa maling lugar lang ako.

Ang saya maging si Purple, pero buhay ang nakasalalay kaya nakakatakot din.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay pinatay ko na ang laptop at sumandal sa sofa saka ipinikit ang mga mata.

Nakasanayan ko nang dito lagi gumawa sa sofa ng nga kailangan kong gawin instead na sa kuwarto ko. Nabubuhayan kasi ako ng loob kapag may kumakausap or nakikita akong tao na nasa paligid ko eh.

Siguro yung iba tinatawag nilang distractions yun, but for me, it's not. They also helping me, kaya super thankful ako kay Brown.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong niya ulit nang madaanan ulit ako kaya umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

"I'm done with my reports, so I guess matutulog na ako." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Huwag kana matulog," pilosopo niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Umaga na kaya, it's already 4:30 in a morning." Natatawa niyang dagdag na nagpalaki ng mata ko.

"Fuck!" Usal ko at tiningnan ang relo ko, totoo nga, nakakainis di ko man lang namalayan ang oras. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Inis king sabi sa kaniya at kinuha ang unan sa tabu ko para batuhin siya.

"Ayaw kitang isturbuhin," sagot niya naman at umilag sa unan.

"Anong ayaw?! Eh kanina ka pa nakatingin sa akin mula sa kusina, tapos hindi mo man ako magawang bulungan na umaga na!" Sigaw ko sa kaniya.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now