KABANATA 25

868 17 3
                                    

A/N: Pasensya na po talaga sa bagal ng update, subrang busy lang po talaga sa school, ang dami pong activities and projects and also ang aming research ay hindi mawawala. Sa awa naman po ng diyos, ako po ay nakapasa hehe. Enjoy reading po, mwuah 😽❤️

___

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Xy, bilisan mo, iiwan na tayo ni Tito mo Zach." Sabay kaming tumatakbo ni Xy pababa ng hagdan.

Nakita ko kaagad si Zach na nagve-vape habang nakatayo sa pinto.

"Let's go?" Tanong niya.

"Zach, can I ask?" Tumaas naman ang kaliwang kilay niya. "Ikaw at ang pamilya lang na ni Ace ang nakakaalam ng bahay na 'to?" Curious kong tanong.

"No, there's one person who came here first, his first love." Sagot niya naman sa akin, nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko kaya hindi na ako nagsalita.

Pero gusto kong malaman kung sino yun.

"Who is she?"

"I don't know, akala ko mga si Cassandra yung tinutukoy niya eh, pero hindi, mayro'n daw siyang napapaniginipang babae na gustong-gusto niyang hanapin pero hindi niya makilala dahil hindi malinaw ang pagkakabigkas ng pangalan nito." Sagot niya naman sa akin.

"Hindi kaya baliw na yang kaibigan mo?"

"Matalino si Ace," sagot niya naman.

"Maldito lang," Dagdag ko. "Bakit paiba-iba ang tawag nyo sa kaniya? Ako lang ata ang Xander ng Xander sa kaniya eh."

"Ace is for his closest friends, Xander naman ang tawag kapag kakakilala pa lang sa kaniya at Master naman kasi Master ko talaga siya, bakit, wala ba kayong tawagan sa isa't isa? Mag-asawa kayo ah?"

"Kailangan pa ba nun?" I think di naman yun kailangan.

Hindi ko na siya pinansin at sumunod na lang kay Xy papasok ng kotse matapos kong masarhan ang bahay.

We're going to school, kailangan na ni Xy mag-aral, kahit ayaw pa ni Xander dahil delekado daw, hindi naman pwedeng nandito lang palagi si Xy sa bahay, kahit pa matalino siya kailangan niya pa ring mag-aral.

"Mayayari na naman ako nito kay Ace eh." Reklamo ni Zach.

"Akong bahala, kapakanan naman ni Xy ang nakasalalay dito, hindi naman ako guro para turuan si Xy." Sagot ko naman sa kaniya.

"Bakit kasi ayaw mong home schooling na lang?"

"Gusto ko kasing maranasan ni Xy magkaroon ng kaibigan, hindi yung tayo-tayo na lang ang nakikita niya, dapat siyang makihalubilo sa ibang tao."

"Oo na, nandito na tayo eh, ano pa bang magagawa ko?" Nagsimula na siyang magmaneho paalis.

Nang makalabas kami ng kagubatan ay nakaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung anong dahilan, hindi na lang ako umimik dahil baka isipin ni Zach na weirdo ako.

"Sa private school mo ba papapasukin si Xy?" Tanong ni Zach.

"Ohm, mas maganda don dahil mababantayan talaga ang pag-aaral niya." Sagot ko naman.

"Gusto niya bang pumasok sa school?" Tanong niya naman na nagpatigil sa akin.

Napalingon naman ako kay Xy na nasa likod. Actually hindi niya alam kung saan kami pupunta ngayon, natatakot kasi akong baka ayaw niyang pumasok ng school. Hindi naman kasi pwedeng habang buhay siyang nasa bahay.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now