SYNIER FRUXELL-HENTROV
Matapos naming sumakay sa Ferris wheels ay bumaba na kami, mabuti na lang natapos na kaagad kung hindi baka puro awkwardness na lang ang nasa loob.
"I want to try that!" Turo naman niya sa roller coaster.
"Sigurado ka? Mas malala yan sa Ferris wheels." Natatawa kong sagot sa kaniya.
"Nag-aalala ka ba sa akin?" Nakangisi niyang tanong habang naglalakad kami.
"Hindi." Mabilis kong sagot at nagpaunang naglakad papunta sa roller coaster.
Bahala ka sa buhay mo.
Mabuti na lang at tapos na ang unang rides kaya kami na ang susunod, maraming nakapila pero nagawa naming sumiksik ni Ace dahil tinitilian siya ng nga babae.
"Ang pogi naman ni Kuya."
"Familiar sa akin yung babae, hindi ko alam kung saan ko siya nakita."
"Ang ganda ni ate girl."
"Mag jowa ba sila?"
"Bagay na bagay."
"Paunahin nyo sila."
Nagulat ako ng hawakan ni Ace ang kamay ko. Wala naman akong nagawa nung hilain niya ako para sumakay sa roller coaster.
Nauna siyang sumakay bago ako sumunod, kami tuloy ang nasa unahan, kinakabahan ako dahil first time kong sasakay dito.
Napahinga ako ng maluwag nang kompleto na ang sasakay dahil tatakbo na ang roller coaster.
"Wag kang kakapit sa akin ha!" Banta ko ulit sa kaniya pero tiningnan niya lang ako at kitang-kita ko ang pagkaputla niya dahil sa takot.
Hindi takot sa bala pero takot sa matataas.
Ang mafia boss ay takot sa roller coaster.
Nang magsimula ng umandar ay napahawak siya kaagad sa upuan niya dahil sa kaba. Maging ako ay kinabahan din.
"Ahhhhhhhh!" Sigawan namin ng bumaba na galing sa mataas na parte.
Napatingin ako kay Ace na putlang-putla na. Tawa ako ng tawa habang inaasar siya, tinaas ko pa ang kamay ko bago sumigaw.
Kinuha ko yung isang kamay niya at sabay na tinaas. Para siyang matatanggalan ng kaluluwa dahil sa takot.
"Mahal kita Synier!!!!!" Bigla niyang sigaw na ikinagulat ko.
Tangina.
"Wohhhhhh!!!" Sigawan naman ng mga taong nakarinig.
Siraulo, bakit kailan niyang gawin yun?
Hiyang-hiya tuloy akong bumaba ng roller coaster dahil sa sinigaw niya. Yung kabang naramdaman ko kanina sa pagsakay namin ay napalitan ng kahihiyan.
Tangina, kaya niyang gawin yun sa maraming tao? Hindi ba siya nahihiya?
"Synier, teka sandali!" Tawag niya sa akin dahil nauna akong maglakad. "Synier!" Tawag niya ulit ng hindi ko siya pinansin.
"Sige, ipagsigawan mo pa ang pangalan ko!" Inis kong sagot sa kaniya.
"Gusto mong ipagsigawan ko?" Nakangisi niyang tanong. Masama ko siyang tiningnan. "Synie!-"
"Ano bang ginagawa mo?! Nakakahiya!" Inis kong sabi sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.
Tinawanan niya lang ako bago hinawakan ang kamay ko saka ako hinala sa kung saan.
"Balita ko may fireworks mamaya, gusto kong manuod kasama ka." Hindi ko siya sinagot at hinayan na lang siya.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Roman d'amour[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...