KABANATA 11 [R-🔞]

1.8K 22 0
                                    

A/N: This part contains SPaGhetti. Siyempre ito yung gustong-gusto ng iba. Sakalin kita eh. Grabeng challenge sa akin nito HAHAHAHA boset na yan, but I'll try my best for this, no experience ang Author nyo kaya bare with me HAHAHAHA. Enjoy reading HAHAHAHA.

‼️WARNING‼️

⚠️ Bawal sa bata! ⚠️

___

ZACHARY KLEINS

"Fuck." Napa-upo ako sa lupa dahil sa suntok ni Papa. Halos hindi ako makatayo dahil sa pagkahilo. Para akong pinukpok ng matigas na bagay sa ulo.

"Kailan ka pa matututo?! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na 'wag ka nang babalik sa bahay na 'to?!" Sigaw niya sa akin habang dinuduro pa ako.

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko si Mama na umiiyak. Wala silang magawa ng mga kapatid ko habang tinitingnan ako.

Ano nga bang laban nila kay Papa? Maging ako hindi ko magawang lumaban dahil sa laki ng respeto ko sa kaniya.

"Umalis ka na, hindi ka namin kailangan dito." Sa pagkakataong 'to ay tumingin na ako sa kaniya at dahan-dahang tumayo habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

"K-Kunin nyo na lang po yung pinamili ko para sa mga kapatid ko-"

"Hindi namin kailangan yan, layas." Sigaw niya.

Napailing ako bago humakbang patalikod.

"K-Kuya!" Umiiyak na tawag sa akin ng bunso kong kapatid.

"Zian, bumalik ka dito!" Sigaw naman ni Papa pero patuloy lang sa pagtakbo si Zian papunta sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay kaagad ko siyang niyakap.

"K-Kuya, 'wag kana pong umalis," umiiyak niyang sabi. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. "Please kuya."

"Zian, babalik naman si Kuya, promise." Ibinaba ko na siya ng lumapit si Papa saka ako naglakad palayo sa bahay at sumakay sa kotse ko.

Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit sa akin ni Papa?

Simula nang magtrabaho ako kay Ace, natutulungan ko na sila ng maayos, nabibigay ko yung mga pangangailangan nila, pero bakit parang kulang pa rin para kay Papa?

Habang nagmamaneho ako biglang nag text si Mia. Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang text niya.

From: Mia
   Can you come to my condo? I'm fucking tired.

Nang mabasa ko yun ay agad akong nagmaneho papunta sa condo niya. Ano na naman kayang problema nito? Nang makarating ako sa condo niya agad akong pumasok ng elevator dahil nasa third floor pa ang room niya.

Nang makarating ako ay agad akong nag door bell, ilang segundo lang ay binuksan niya na yun.

"What happened?" Kunot noo kong tanong, papikit-pikit na ang mata niya at napatingin naman ako sa hawak niyang bote ng mamahaling alak.

"I... I'm drunk haha." Pumasok ako ng room niya at sinara yun. Inalalayan ko siyang umupo sa sofa niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Inalis ko ang boteng hawak niya at inayos ang upo niya pero bigla na lang siyang umiyak.

"Ayaw ko na, pagod na pagod na ako." Tumutulo na ang luha niya ngayon, dahil siguro sa kalasingan niya ay hindi niya na alam kung anong sinasabi niya, ang dami ba namang bote ang wala ng laman, siya lang umubos nito?

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now