CHAPTER 9

130 2 0
                                    

CHAPTER 9


Mabilis akong nag lakad nang maramdaman ko na may sumusunod sakin na mga lalaki.

"Miss sandali lang baka gusto mo munang samahan kami mag enjoy" rinig kong sabi nong isang sa mga lalaking sumusunod sakin.

Bali tatlo sila at sa tingin ko ay mga lasing sila. Kagagaling ko lang sa isang Mafia War kaya naman nanghihina ako ngayon.

May saksak ako sa tagiliran at tama ng baril sa balikat kaya hindi ko sila magagawang labanan ngayon.

Damn it!

bakit ba sumabay pa sila?

Sinubukan kong tawagan sila kuya francis pero hindi nila sinasagot ang tawag ko.

Natigilan ako ng may kung anong tumama sa likod ko.

Sa sobrang lakas ng pag kaka hampas sakin ay napa higa ako sa daan. Pinilit kong tumayo pero biglang kumirot ang lahat ng sugat ko kaya talagang nanghihina na ako.

Bumungad sakin yong tatlong lalaking lasing. Lahat sila ay naka ngisi habang naka tingin sakin.

Napasinghap nalang ako ng bigla akong hawakan nong dalawa at yong isa naman ay sinira ang suot kong damit na ikina hiyaw ko.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil parang namanhid yon.

Napaiyak nalang ako ng maramdaman ang pag lapat sa leeg ko ng labi ng hayop na lalaking yon.

Nag pupumiglas pa ako pero hindi ako maka alis sa pag kakahawak nong dalawa.

Nawawalan na ako ng pag asa nang may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko.

"Aya help me" malakas na sigaw ko kaya nasampal ako nong isang lalaki.

"Charm is that you?" boses yon ni aya kaya nag karon ako ng pag asa.

Aya is my bestfriend at girlfriend din sya ni kuya clyden.

Nakita ko si aya sa di kalayuan. May hawak syang baril at naka tutok yon sa mga hayop na lalaking yon.

Sunod sunod na ang pag tulo ng ko dahil nandito na si aya para tulungan ako.

Tatlong putok ng baril ang sunod sunod kong narinig at nakita ko nalang yong tatlong lalaki na naka higa na sa damuhan at mga walang malay.

Patakbo namang lumapit sakin si aya at niyakap ako ng mahigpit kaya napa hagulhol nalang ako ng iyak sa balikat nya.

Panay lang ang iyak ko pero napatigil ako makitang bumangon yong isang lalaki at babarilin na sana si aya pero naunahan ko sya.

Kinuha ko ang baril sa kamay ni aya at sunod sunod yong pinaputok don sa lalaki.

Tumayo naman si aya at kinuha yong baril na hawak nong lalaking binaril ko.

Nanlaki naman ang mga ko ng makita yong isa pang lalaki na may hawak na kutsilyo at sasaksakin na sana si aya pero agad ko syang pinaputukan ng baril na pinag sisihan ko agad.

Dahil biglang hinila nong lalaki si aya at ginamit na pansalag kaya ang balang pinakawalan ko ay tumama sa dibdin ni aya.

Napaluhod nalang ako sa lupa at nabitawan ang hawak na baril.

Mag kakasunod na putok ng baril pa ang narinig ko at nakita kong naka bulagta na rin yong lalaki at sa likod nya ay nandon si kuya clyden.

Mabilis na lumapit si kuya clyden kay aya na ngayon ay naka higa na sa lupa.

Pero ako hindi ko magawang lapitan si aya. Hindi ko kayang makita sya.

Ako ang bumaril sakanya!

Kasalanan ko to!

Kasalanan ko!

"Mckenzie Charm please wake up" rinig kong sabi ng kung sino.

Mabilis akong napa bangon mula sa pag kakahiga at bumungad sakin si zach na mukang alalang alala.

Napahagulhol nalang ako ng iyak nang maka bangon ako.

Napanaginipan ko nanaman yon. Ang sakit sakit sa pakiramdam namatay si aya ng dahil sakin at ngayon pati cyruz ay wala na nang dahil din sakin.

Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa maramdaman ko ang pag yakap sakin ng kung sino.

Iisang tao lang naman ang kasama ko ngayon dito sa clinic kaya alam kong sya yon.

Hindi sya nag salita. Tahimik nya lang akong niyakap ng mahigpit habang hinahaplos halos ang buhok ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga yakap nya kaya mas lalong napa iyak.

"Kasalanan ko kung bakit sila nawala zach, kasalanan ko" umiiyak na sabi ko habang naka yakap padin sakanya.

"Shh stop crying, It's not your fault and I'm so stupid for blaming you,.so please stop crying Mckenzie" pag papatahan nya sakin pero imbes na tumigil ay mas lalo pa akong napa iyak.

Nagising nalang ako na nakahiga na ulit sa kama. Mukhang naka
tulog ako habang umiiyak sa balikat nya.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong nakayakap sa kanya habang umiiyak basta nag papasalamat nalang ako dahil hindi nya ako iniwan.

Ngayon ay nandito siya sa tabi ko at mahimbing na natutulog habang naka upo sa bangko. Naka patong lang ang ulo nya sa kama at hawak hawak pa nya ang kamay ko.

Hindi ko sya magawang gisingin dahil naaawa ako kase mukhang pagod sya.

Napatingin nalang ako sa malaking orasan sa pader.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita kung ano nang oras.

8PM

Ganon na ba talaga ako katagal naka tulog at inabot na kami dito ng gabi?

Mabuti nalang pala at hindi ako iniwan netong lalaking kasama ko ngayon.

Napangiti nalang ako ng makita ng malapitan ang gwapong mukha ni zach.

Ngayon ko lang napansin. Hindi naman pala talaga sila mag kamukha ni cyruz. Mag kahawig lang sila pero kung tititigan mo ang mukha nya ay makikita mong mas gwapo ito.

"Hindi mo ba ako hahalikan?" nanlaki ang mga mata ko ng biglang mag salita si zach.

"What?" gulat kong sabi.

Tumawa naman sya umiling iling.

"Well I think I deserve a kiss because of everything I did for you" nakangiti pang sabi nya na ikina nganga ko.

Seryoso ba sya?

Bakit parang ibang zach ang nasa harapan ko ngayon?

"Si Yuhan ka ba talaga o baka naman ikaw si Luhan?" tanong ko. Bigla namang nag dilim ang muka nya at nag salita.

"I'm not luhan" sabi niya at nagulat nalang ako ng bigla nyang ilapit sakin ang mukha nya at naramdaman ko nalang ang pag lapat ng labi nya sa labi ko.

At kasabay non ay ang pag bukas ng pinto ng clinic.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon