CHAPTER 47

75 2 0
                                    

CHAPTER 47



"Everyone. I want you all to meet my only daughter. Mckenzie Charm Hestia France Villamerious." para naman akong natauhan dahil sa sunod sunod na palakpakan ng mga tao sa paligid ko.

Nakangiti akong lumapit kay dad at humarap sa mga camera na nakatutok saamin. Nandito kami ngayon sa harap ng restaurant na kinakainan namin kanina.

Nag patawag lang naman si dad ng pres con at dito mismo sa labas ng restaurant kaya heto ako naka ngiti lang habang nakatingin sa mga camera.

"The dress looks perfect on you, baby"

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng mag salita si Zach mula sa likuran ko. Inis ko naman syang tiningnan pero natigilan din ako ng marealize ko ang sinabi nya.

Tiningnan ko naman ang dress na suot ko na regalo ni shadow sakin. Wala na kase akong masyadong time kanina kaya ito nalang ang sinuot ko at hindi naman ako nag sisi dahil napaka ganda nito.

"Shut up, Zach" mahinang bulong ko sakanya at sinamaan sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako at nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang pag hawak nya sa bewang ko.

"Ang ganda mo, baby" bulong nanaman nya sakin na ikina init ng buong mukha ko.

Sobrang lakas na din ng kabog ng puso ko dahil sobrang lapit naming dalawa sa isa't isa.

"Grant, take off your hands on my sister's waist if you still love your life" rinig kong sabi ni kuya Clyden na ikina tawa ko dahil mabilis na tinanggal ni Zach ang kamay nya sa bewang ko.

Nang lingunin ko naman ang mga kapatid at pinsan ko ay naka tingin lang sila ng masama kay Zach.

"Ms. Mckenzie Villamerious there's a humor that you are a leader of an Organization for mafia's. Is it true or just a humor?"

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong tanong ng isang reporter pero agad din akong naka bawi sa pag kakagulat at nakangiting hinarap ang reporter na yon.

"It's true" maiksing sagot ko na ikinasinghap ng lahat ng mga tao sa paligid ko. Naging tahimik ang paligid na ikina tawa ko ng mahina.

"Is that what you want to hear?" tumatawang tanong ko. Napakurap kurap naman sya at hindi maka paniwalang tumingin sakin.

"Of course that's not true. I'm just eighteen years old how can i handle a mafia organization? I'm just a business woman. That's all" seryosong sabi ko at ngumiti ng napaka tamis para paniwalaan nila ang kasinungaling sinabi ko.

"It's just a humor everyone." lahat naman ng atensyon ay napunta kay dad ng mag salita sya.

Nakangiting tumingin sakin si dad at inakbayan ako. "I also want to announce this day the engagement of my daughter to Yuhan Zacharious Cyruz Grant" pag aannounce ni dad at binitawan ako saka mahinang itinulak palapit kay Zach na ngayon ay napaka laki ng ngiti.

"Wag mo masyadong ipahalata na kinikilig ka sakin, baby" bulong nya ulit.

Mahina ko naman syang kinurot sa braso pero tinawanan lang ako ng luko at hinawakan akong muli sa bewang at hinapit papalapit sakanya.

Ayan nanaman ang puso ko. Masyadong oa tumibok baka mamaya mag kasakit pa ako sa puso dahil dito.





ILANG ORAS bago natapos ang pres con at sobrang sakit na ng paa ko dahil sa hills na suot ko. Naparami naman kaseng tanong ng mga reporters don mabuti nalang at si dad ang sumagot sa lahat kaya hindi ako nastress sa pag iisip ng isasagot.

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Zach  dahil sakanya ako pinasabay ni dad pauwi.

"Masakit pa ba ang paa mo?" tanong ni Zach. Tumango naman ako at tinanggal ang hills ko saka tiningnan ang paa ko na namumula na at may ilang sugat pa na dumudugo.

Sanay akong mag suot ng hills but of couse hindi talaga kakayanin ng paa ko kong ilang oras na naka tayo.

Naramdaman ko namang tumigil ang sasakyan sa kaya agad akong sumilip sa bintana. Nasa harap na kami ng bahay ng mga magulang ko sa loob ng sa Villamerious Village.

"Let me see your foot" ani nya. Kunot ko pa syang tingnan pero agad ko ding ipinakita sakanya ang paa ko.

Humarap ako sakanya at Ipinatong ang paa ko sa hita nya. Seryoso lang sya habang naka tingin sa paa ko at nagulat ako ng mag labas ng bandaid mula sa wallet nya at itinapal yon sa mga sugat ko sa paa.

"Can you walk?" tanong nya. Tumango naman ako at ibinababa ang paa ko saka sinubukang isuot ulit ang hills pero sumakit nanaman ang paa ko.

Napapikit nalang ako dahil don. Damn kapag naman bala ng baril at saksak parang wala lang sakin pero itong simpleng sugat na gawa ng hills sobrang sakit.

"Do you want me to carry you?" tanong pa nya. Aayaw na sana ako pero bigla nalang syang bumaba sa kotse at binuhat ako palabas na parang pang bagong kasal.

"Ibaba mo ako" reklamo ko sakanya pero tinawanan nya lang ako at pumasok na sa loob ng mansyon.

Namula naman ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan ng makita kong nasa sala ang buong pamilya ko at ang mga pinsan ko na kasama padin si khael na nakangiti lang habang naka tingin samin ng kakambal nya..

Lahat sila ay naka tingin lang saamin ni Zach. At dahil sa sobrang hiya ay ibinaon ko nalang ang mukha ko sa leeg ni Zach.

Well mabango sya. "Hey baka naman masinghot mo na ako ng buo nyan" bulong nya sa tenga ko kaya agad kong inilayo sa leeg nya ang ilong ko.

"Ibaba mo na ako, Please" mahinang sabi ko at laking pasasalamat ko naman ng ibaba nya ako sa sofa.

"I'm sorry if i will leave you, but I need to go now." pag papaalam nya sakin nang maibaba ako.

Hindi naman ako nag salita at tumitig lang sakanya. "Don't miss me too much, but if you will then it's good" nakangiting ani nya at mabilis akong hinalikan sa labi na ikina kurap kurap ko.

Isang mahinang pag ubo naman ang nag pabalik sakin sa katinuan at nakita ko si dad and mom na naka tingin lang sakin habang nakangiti.

Si Zach naman ay nag paalam na din sa mga magulang ko at nag mamadali ng umalis. I wonder saan kaya sya papunta? Hindi manlang sinabi sakin.

"Baby, We'll take a rest muna ha" napatingin naman ako kay mom ng mag salita sya.

Lumapit sila sakin ni dad at hinalikan ako sa noo saka umakyat na sa taas papunta sa kwarto nila.

"She's In love"

"Yeah, Crazy in love"

"She's blushing"

"But i still want to punch that guy for kissing our princess"

"Me too, I want to punch him"

"I'm happy for them but i will also be happy if i punch him"

Napangiwi naman ako ng marinig ang usapan ng mga pinsan at kuya ko.

Tiningnan ko naman si khael pero tahimik lang sya na parang may iniisip na malalim kaya kahit masakit ang paa ko ay nilapitan ko sya.

"Are you okay?" tanong ko sakanya. Napa tingin naman sya sakin pati ang mga kuya at pinsan ko.

Napakunot nalang ang noo ko ng sabay sabay silang nag lakad papunta sa kusina kaya naiwan nalang kaming dalawa ni khael dito.

"I'm okay, Frances" nakangiting sabi nya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Lie" wika ko at sinamaan sya ng tingin.

"Okay, Fine. I'm not okay because the girl i love is already in love with someone else" ngayon ay nawala na ang ngiti nya at kitang kita ko ang malungkot nyang mukha.

Teka.. May iba na bang gusto si florence?

Mag sasalita na sana ako para itanong sakanya kung sino na ang ibang gusto ni florence pero tumunog ang cellphone ko na ibinalik na kanina ni Zach.

"Gising na siya"

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon