CHAPTER 25

105 1 0
                                    

CHAPTER 25

Ilang minuto na kaming nag iisip pero wala padin kaming nagagawa. But then a realization hits my brain.

"Lahat tayo ay maaaring mag kasya sa papel"

"Hindi kailangan ng balanse"

"Kayo ang may kontrol sa papel"

Napangisi nalang ako at binulungan ang mga kagroup ko.

"Punitin natin ang papel ng paikot para hindi mag hiwa hiwalay dahil tayong glue, then ipapaikot natin satin ang papel na pinunit and In that case naka tayo sa loob ng papel at kasyang kasya pa tayo don sigurado" paliwanag ko sakanila na agad naman nilang sinang ayunan.

Si florence at haliya ang nag punit paikot ng papel at kami namang mga natira ay pinapalibutan sila para hindi makita ng ibang group ang ginagawa namin.

Ilang minuto lang ay natapos na ang dalawa sa pag pupunit ng papel. Pinag dugtong namin ang mag kabilang dulo ng papel at pag katapos ay inihugis yon ng malaking bilog sa semento at saka kami isa isang pumasok sa loob ng bilog.

"We have a winner" malakas na pag aannounce ni sir jelo habang naka tingin sa grupo namin.

Tuwang tuwa naman ang mga kasama ko maliban nalang kay zach na wala pading emosyon ang mukha.

"15 points for each members of group 9" malakas pang sabi ni sir jelo na ikina hiyawan ng mga kagroup ko.

Napatingin naman ako sa mga kabilang group. Mga naka simangot sila na para bang takang taka kung ano ang ginawa namin.

"Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit group 9 ang nanalo. Alamin nyo sa mga sarili nyo kung bakit sila ang nanalo ng walang kahirap hirap" muling sabi pa ni sir jelo.

"Ang galing mo talaga ate charm" masayang sabi ni haliya na ikina ngiti ko. She's cute, para syang bata.

Nag thumbs naman sakin ang mga lalaki naming kagroup. Si Florence at Vivine naman ay nakangiti habang naka tingin sakin.

"Okay our next activity is find the hidden flag on each station and each station ay may mga challenges na kailangan nyong malagpasan bago nyo tuluyang mahanap ang clue kong nasaan ang flag and remember pwedeng kunin ng ibang group ang flag na nakuha nyo, pero bago kayo mag hanap ng flag ay kailangan nyo munang sagutin ang mga katanungan ko."

Napunta ang atensyon namin nang mag salita nanaman si sir jelo.

Tsk!

Activity nanaman!

Oh gosh hindi ba sya napapagod? ako kase rinding rindi na sa boses nya at gutom na din ako.

Hindi pa nga nya pinapaliwanag kung bakit nandito kami ngayon.

"But first here are the clue kung paano nyo mahahanap kung nasaan ang bawat station"

"First Station Clue: Ibon sa pilipinas na pinaka mataas lumipad

Second Station Clue: Pinupuntahan ng nakararami kapag nagugutom

Third Station Clue: Maraming nilulutong pag kain

Fourth Station Clue: Naparami ng kinain sumakit ang tyan dito sila pumupunta

Fifth Station Clue: Pahingahan ng mga teacher

Sixth Station Clue: Dito nyo makikita ang mga records nyo kung saan kayo nag aral

Seventh Station Clue: Isang naka tagong classroom

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon