CHAPTER 49

83 2 0
                                    

CHAPTER 49

"Milady, We're already here" napabalik naman ako sa wisyo ng mag salita si Vlad at saka ko lang naramdaman na tumilgil na ang kotse sa pag andar.

Simula maka baba ako sa kotse hanggang maka sakay ako sa private plane ko ay walang nangyaring kahit ano hindi tulad nong nasa Italy kami na pinag babaril kami.

Hindi rin ako pinag kaguluhan ngayon ng mga reporters dahil naka suot ako ng Cap and Facemask para itago ang mukha ko.

Lalo ngayon na alam na ng buong mundo ang tunay kong itsura siguradong maraming mag tatangkang pumatay sakin na kalaban ng pamilya namin.

Nang naramdaman kong nasa ere na ang sinasakyan ko ay saka lang ako nakaramdam ng ng pagod at antok kaya pumikit nalang ako para ipahinga ang katawan ko pero hindi pa ako tuluyang nakaka pikit ng mag Vibrate ang cellphone ko.

'Ivough is calling'

Bakit naman kaya tumatawag ang lalaking 'to? Well malalaman ko rin kapag sinagot ko ang tawag nya. Kaya naman sinagot ko agad yon.

"Why?" bungad na tanong ko sakanya.

"I found out something. Tungkol sa pina imbestigahan mo sakin na nag tangka sa buhay ng mga kaibigan mo" natigilan ako sa sinabi nya mula sa kabilang linya.

Ngayon ko lang din naalala na inutusan ko nga pala syang hanapin ang mga taong nag tangka sa buhay nila florence.

"Anong meron don? Nahanap mo na ba?" tanong ko.

"Yup but only his or her codename and it's Semreh" sagot nya sa kabilang linya.

Napakunot nalang ang noo ko dahil hindi pamilyar saakin ang pangalan na'yon. I never heard it before.

"Can you dig differ about him or her? I need to found that person because they almost killed my friends. I'll pay." ani ko.

Pero ang totoo nyan kaya ko sakanya pinapahanap ang taong yon ay para malaman kung anong kinalaman nya saakin at sa Organisasyon ko. Sigurado akong nasa loob ng organisasyon ko ang taong yon dahil alam nya ang rule 1 na dahilan daw kung bakit inatake sila florence.

"Okay. Just give me a week because i'm kinda busy looking for the child of the BSO leader." ani nya.

"Okay" yon ang isinagot ko sakanya at iniend na ang tawag at muling bumalik sa pag tulog dahil ilang oras pa naman ang byahe.

Ilang oras pa naman bago kami maka rating sa pilipinas kaya makaka tulog pa ako ng mahimbing at siguradong umaga na ako makakarating don dahil 11pm na ng gabi.


"MILADY, WE'RE ALREADY HERE IN THE PHILIPPINES"

Nagising ako dahil sa boses ni Vlad na ginising ako. Nang mag mulat ako ay bumungad saakin si Vlad na mukhang pagod na pagod na.

Mabilis naman akong tumayo at nag inat inat dahil nangalay ang likod ko. Nag lakad na ako pababa ng private plane at tinungo ang kotse ko na mukhang pinadala dito sa airport ni Vlad.

"Ihahatid na kita, Milady" ani ni vlad na naka sunod pala sakin. Akmang sasakay na sya sa kotse para ipag maneho ako pero agad ko syang pinigilan.

"Take this and rest" sabi ko at iniabot sakanya ang black card ko. Gulat naman syang tumingin sakin at maya maya lang at tumawa.

"Milady, You do know that i don't money right?" nakangiting ani nya. Napangiwi naman ako at itinago ang black card ko ng maalalang mayaman nga pala sya.

"Okay, Okay. But i'm serious, take a rest for at least 1 or 2 weeks dahil masyado ka ng nag papagod sa trabaho mo sakin"

Tumango naman sya sa sinabi ko at nag paalam na kaya sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yon papunta sa school.

Sigurado naman akong papapasukin ako sa school kahit hindi ako naka uniform lalo ngayon na kilala na ako ng lahat.

Ilang minuto lang ay naka rating na ako sa school. Pero bago ako bumaba ng kotse ay tinanggal ko muna ang emosyon sa aking mukha.

Kilala na ako ngayon ng mga tao bilang nag iisang anak na babae ng pamilya Villamerious na kinatatakutan ng lahat kaya  kailangan kong maging seryoso at mag ingat sa lahat ng galaw ko ngayon.

Bumaba na ako sa kotse at nag lakad papasok sa gate ng school. Nakita kong natitigilan pa ang mga nakaka sabay kong mag lakad pero hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.

Marami akong nakikitang nag titinginan sakin at ang iba ay pinag uusapan ako pero wala akong pakealam sakanila.

Walang emosyon lang akong nag lakad hanggang sa makarating ako sa classroom ko. Mabilis ko namang sinarhan ang pinto at saka bumuntong hininga.

Halata namang nagulat sa pag dating ko sila Zach dahil bigla silang nag tayuan. Maliban kay Khael na tulog lang ata habang naka patong ang ulo sa table nya.


Nginitian ko naman silang lahat at saka pumunta na sa upuan ko. Naramdaman ko ang pag sunod sakin ni zach at ang pag upo nya sa bangko na katabi ko pero pinabayaan ko lang sya.

"Where did you go?" rinig kong tanong nya.

Antok naman akong humarap sakanya.

"Amerika"

"Ano namang ginawa mo don at hindi ka man lang nag sabi sakin" kunot na kunot pa ang noo nya habang nag sasalita.

"May binisita lang ako para kumustahin ang lagay nya then nag bar ako dahil ang tagal dumating ng sundo ko and then i meet someon–" hindi ko na ituloy ang pakukwento dahil nakita ko ng sobrang dilim na ng ekspresyon ni Zach.

Napatitig naman ako sa mata nya ng makitaan ko ng galit at selos ang mga iyon.

Selos?

"Tsk. Ang sabihin mo nakipag kita ka lang don sa lalaki mo" may diing sabi nya na ikina kunot ng noo ko.

Ako nakipag kita sa lalaki ko? Teka may lalaki pala ako?

"Pinagsasabi mo jan?"

"May kasama kang lalaki kagabi sa bar sa amerika, tell me sino sya?" tanong pa nya na mas ikina kunot ng noo ko. Pero mas lalong nangunot ang noo ko ng iabot nya sakin ang cellphone nya.

May picture don na mukhang kuha sa labas ng bar at sa picture kitang kita ako na may kausap na lalaki.

It was the Villamerial Guy

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay zach na mukhang galit na galit padin.

Galing naman nyang magalit eh sya nga dalawang beses ko ng nakitang makipag halikan di naman ako nagalit–well medyo lang. Galitin ko pa kaya sya?

"Eh. Ano naman sayo kung may kasama ako? Pinakialaman ba kita pambababae mo? diba hindi naman so wag mo akong pakialam" malamig na ani ko na mas lalong ikina kunot ng noo nya.

Lihim naman akong napangiti dahil ramdam kong inis na inis na sy–

Natigilan naman ako ng bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas ng classroom.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon