CHAPTER 26

101 2 0
                                    

CHAPTER 26

Nandito ako ngayon sa station 9 sa library dahil dito ko nakitang pumasok ang grupo na kumuha ng flag namin na galing sa station 3.

Mukhang marami na silang flag dahil nandito na sila sa station 9.

Kaming dalawa lang dito ni zach ang mag kasama dahil ang iba naming kagroup ay pinapunta ko na sa station 4 dahil don na ang next namin.


"Aabangan natin sila pag labas nila then saka natin kukunin ang flag na dala nila" mahinang sabi ko kay zach na katabi ko lang.


As of now dalawang flag palang nasa amin. Ang 7 at 1 kaya naman kailangan na naming mabilisan dahil malapit na maubos ang oras namin.


"Ang galing talaga natin pre apat na flag na agad ang nasa atin, sigurado mananalo na tayo" rinig kong sabi nong lalaking may hawak na apat na flag.


Sa wakas naka labas din sila!


Iniwawagayway pa nya ang mga flag at ipinag mamalaki sa mga kasamahan nya.


Napangisi nalang tuloy ako at mabilis na tumakbo sa direksyon nila at sa isang iglap lang ay nasa kamay ko na ang apat na flag.


Rinig na rinig ko naman ang pag mumura nong grupo na naagawan ko. Sinubukan pa nila kaming habulin pero masyado kaming mabilis tumakbo ni zach, pero bago kami tuluyang maka layo sa grupo na yon ay kinindatan ko muna sila para mang asar.


Kung hindi sana nila kinuha ang flag namin na galing sa station 3 hindi ko sana makukuha ang mga flag na nakuha nila.


Tsk.


Ngayon ay anim na flag na ang nasa amin.



Station 1
Station 3
Station 7
Station 8
Station 9
Station 5



Station 2,4,6 at 10 nalang ang kulang at alam ko kung kanino makukuha ang flag ng station 2.


Napangisi nalang ako habang isa isang tinitiklop ang apat na flag at inilagay yon sa wallet ko.


Madali lang naman pala.

"Let's go" sabi ko kay zach at tumakbo na papunta sa station 4. Sakto namang pag dating namin ay palabas na sila sa Cr at may dala dala na silang flag na may naka lagay na station 4.


Ang gagaling talaga ng mga kagroup ko. "Ako ang kumuha nyan. Pinahirapan pa akong palutangin sa tubig yong pagka liit liit na aspili" nakasimangot na sabi ni Kyle at iniabot sakin ang flag.


Agad ko namang kinuha yon at tiniklop saka nilagay sa wallet ko.


"Tatlong flag nalang ang hahanapin natin. 2, 6 at 10" nakangiting sabi ko sakanila.


Nag talunan naman sila sa tuwa dahil don.

"Ibig sabihin limang na flag ang nakuha nyo nong humiwalay kayo samin?" tanong ni Jake.


Ah! Oo nga pala, hindi ko nasabi sakanila na nakuha ko kanina ang flag ng station 7.


"Apat na flag ang nakuha namin yong humiwalay kami sainyo and yong isa naman ay nakuha ko nong lumabas ako para mag pahangin" paliwanag ko.


Tumango tango naman sila.


"Yong flag ng station 2 at 6 ay nasa group nila Luhan Grant" biglang sabi ni anthony kaya napatingin kaming lahat sakanya.


SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon