CHAPTER 53
"Just admit it, Frances"
Napapikit nalang ako sa inis dahil kay khael na ngayon ay nasa harapan ko at walang tigil sa pangungulit at pang aasar sakin.
Nandito kami sa loob ng classroom. Kaming dalawa palang dito dahil maagap kaming pumasok. Paano namang hindi aagap eh sa rooftop kami natulog kaya ang suot ko ngayong damit at pants ay kay khael lahat.
Mabuti nalang at mayroon silang hideout ng Black Knights dito sa school kaya may nakunan kami ng damit at naliguan.
At ngayon ay inaasar parin ako ni khael. Pinapaamin nya ako na adik daw ako sa yakap. Medyo totoo naman ang sinasabi pero– ARGH basta. I mean i have this hobbits na kapag natutulog ako ay gustong gusto ko ay may niyayakap.
At kaninang umaga ay nagising nalang ako na naka yakap ako sakanya at ang sabi pa nya ay buong gabi daw akong naka yakap sakanya at nagagalit pa daw ako kapag inaalis nya ang kamay ko naka yakap sakanya.
"Frances, loves hugging m–"
"SHUT UP!" malakas na pag puputol ko sa sasabihin nya.
Tumigil naman sya sa pang aasar at umupo sa katabi ko.
"Gusto mo pa ng yakap?" tanong nya at ini bukas ang dalawang kamay na para bang nag iintay na yakapin ko sya pero sinamaan ko lang sya ng tingin kaya ibinaba na nya ang dalawang kamay.
"Siguradong kapag nalaman ng kapatid ko ang nangyari papatayin nya ako" biglang sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"I'll kill him first before he can kill you" malamig kong ani pero tinawanan lang ako ng luko.
Sumimangot sya "But you like him"
"Yes" maiksing sagot ko.
"Then–" hindi na nya nagawang ituloy ang sasabihin nya dahil bigla nalang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok don ang mga kaklase namin at si Zach na sobrang dilim ng mukha.
Nang mag tagpu naman ang mga mata namin ay bigla syang ngumiti at nag lakad palapit sakin. Na ikina bilis ng tibok ng puso ko. Iba talaga ang epekto sakin ng lalaking 'to.
"Where have you been? Are you okay? Did you sleep well?" sunod sunod na tanong nya nang maka lapit sakin.
"I'm okay" sagot ko at nginitian sya.
Nakita ko naman ang pag kunot ng noo nya habang naka tingin sa damit na suot ko kaya mahina akong napa mura sa aking isipan.
"Kaninong damit 'yang suot mo?" malamig na tanong nya.
"Kay khael" pag sasabi ko ng totoo dahil kay khael naman talaga ang damit na suot ko and I can't find any reasons why i need to lie. At kung mag sisinungaling ako baka lalo syang magalit.
Natahimik naman ang lahat at walang nag tangkang gumawa ng kahit anong ingay. Ramdam ko rin ang titig nila saamin ni Zach.
"Mag kasama kayo kagabi?" malamig parin ang boses na tanong nya. Tumango lang ako bilang pag sagot.
Mag sasalita pa sana ako para mag paliwanag pero mabilis syang lumapit kay khael at sinuntok na ikina tumba nito.
Napasinghap nalang ako at nag mamadaling nilapitan si Zach para pigilan. "Zach, Calm down" pag papakalma ko sakanya at hinawakan sya sa braso pero itinulak nya lang ako na ikina tumba ko.
Deja vu
Nakita ko naman ang pag tingin sakin ni khael at sinenyasan pa nya sila cloud na hindi ko naman nagets. Hanggang sa maramdaman ko nalang na may humawak sakin at inalalayan ako sa pag tayo.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Ficção AdolescenteDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN