CHAPTER 44

73 3 0
                                    

CHAPTER 44

"Nice to see you again, Reyna ko" bungad saakin ni shadow nang maka rating ako sa bahay nya.

Sa backdoor ako dumaan para kung may naka sunod man sakin ay hindi malalaman kung saang bahay ako nag punta.

"Anong sasabihin mo sakin? At sino naman ang inutusan mong mag bigay sa sulat na'yon sa mga kaibigan ko?" tanong ko sakanya at umupo sa single sofa.

"Don't worry ang inutusan kong mag bigay ay hindi ako kilala dahil naka salubong ko lang sya sa labas ng hospita kung nasaan ka." sagot nya at umupo din sa sofa sa harapan ko.

"Anong sasabihin mo sakin tungkol sa Organization at kapatid ko?" deretsong tanong ko.

"Natrack ko na ang location ng Black Snake Organization. Simula bukas hanggang next week ay nalaman kong may malaki silang transaction, palitan ng druga. Pwede na natin silang mahuli don at makikilala narin natin ang leader nila" ani nya na ikina tango tango ko.

"Will you help us?" tanong ko sakanya.

"If it can make my queen happy then i will help" sabi nya na ikinatawa ko ng mahina. Sanay naman na ako sa mga ganong pinag sasabi pero hindi ko parin maiwasang matawa.

Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sakanya ang engagement ring na ibinigay saakin ni Zach. "I'm already taken and fiance of Yuhan Grant" nakangising sabi ko sakanya.

"After 6 years ibang singsing na ang nanjan. Wedding ring na at ako na ang mag bibigay sayo non" sabi pa nya na mas lalo kong ikina tawa.

Masyado talagang pasaway at makulit ang shadow na'to. Mabuti nalang at sanay na ako sakanya.

"Jusmeyo, Shadow. Stop flirting with me. My fiance will get jealous" umiiling iling na sabi ko.

"Do you really like him?" tanong nya at tumango naman ako ng walang pag dadalawang isip.

"Let's stop this conversation. Mag fucos nalang tayo sa pag paplano kung anong gagawin" pag iiba ko sa topic.

"Okay. Ang plano natin ay iambush sila sa pinag tataguan nila" naging seryoso na ang boses nya.

"Ambush? May exact location na ba kung nasaan sila nag tatago?" Tumango naman sya at ipinakita sakin ang laptop nya kung saan ipinapakita ang location ng isang lumang building na ikina ngisi ko.

Maaasahan talaga 'tong si shadow.

"Tell me your plan, Shadow. Let's do your plan" nakangiting sabi ko sakanya.

Tumango naman sya at nag sinimulang sabihin ang mga plano nya na agad ko namang sinangayunan dahil malaki ang chance na mag tagumpay ang plano naming 'yon.


ILANG ORAS din kaming nag usap dalawa hanggang sa maayos namin ang pag kakasunod sunod ng plano.

Ang planong gagawin namin ay sa isang linggo pa kaya makakapag handa pa kami lalo na at ang buong Organisasyon na ng kalaban ang babanggain namin.

Nang matapos kaming mag usap ay inisandal ko ang likod ko sa sandalan at nag inat inat.

Napatingin naman kayo kay shadow ng tumayo sya bigla at may kinuha sa kusina. Nong maka balik sya ay may dala dala na syang dalawang baso ng juice at iba't ibang klase ng chips.

"Kumain muna tayo dahil kanina pa tayo nag paplano" ani ni shadow at inilapag sa mesa ang dala dala nya.

Nanlaki naman bigla ang mata ko ng marealize ko na hindi sya gumagamit ng voice changer kaya rinig na rinig ko ngayon ang totoong boses nya.

Pamilyar saakin ang boses pero hindi ko malaman kung kanino o saan ko 'yon narinig.

"Kamusta naman yang tama mo sa mag kabilang balikat? Magaling na ba? Hindi ka nakainom ng gamot kanina dahil natulog ka agad." dere deretsong sabi nya na ikina kunot ng noo ko dahil sa sobrang pag tataka.

Paano nya nalamang dalawa ang tama ko ng bala at sa tig kabilang balikat yon? Eh tatlong tao lang naman ang nakaka alam non.

Si kenzo, si vlad, ang doctor at si Zach.

At isa pa pano nya nalaman na hindi ako uminom ng gamot dahik natulog agad ako?

"Hey, I told you to eat then inumin mo 'tong gamot mo" sabi pa ni shadow at inabutan ako ng pamilyar na gamot.

Ganon na ganon ang gamot na pinapainom saakin ni Zach kaya napatitig nalang ako kay shadow.

"Ano iinumin mo ba o hindi?" tanong nya.

Agad ko namang kinuha ang gamot at ininom yon dahil may tiwala naman ako kay shadow na kasama ko na simula nong 13 years old ako.

"Sinabi mo rin sa sulat na may sasabihin ka sakin tungkol kay Francis. Ano yon?" tanong ko. Tumango naman sya habang kumakain at inabutan ako ng brown evelope na agad ko namang kinuha.

Binuksan ko 'yon at tiningnan ang mga laman pero agad ding nangunot ang noo ko dahil sa mga nakita ko.

"Si Mavie Angeles ay kritikal ang kalagayan ngayon. Nasa hospital sya sa Amerika at nag aagaw buhay dahil sa isang car accident. Sinubukan nya kaseng bumalik dito sa pilipinas nang nalaman nyang namatay sa pag sabog ang ate nya kaso ay naaksidente sya at hanggang ngayon ay comatose sya. Delikado na ang buhay nya at ang buhay ng batang nasa sinapupunan nya na anak ng nakatatanda mong kapatid." mahabang sabi ni shadow na ikinapang hina ko.

Muli kong tiningnan ang mga litrato na hawak ko. Bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko habang pinag mamasdan ang mga litrato ni mavie na nakahiga sa hospital bed at walang malay.

"Bakit hindi ko alam 'to? Bakit hindi naka rating sakin ang balitang 'to? Marami akong inutusan na mag bantay sakanya kaya bakit nangyari 'to ng hindi ko manlang nalalaman?" sunod sunod na tanong ko at hindi ko narin mapigilan ang mag taas ng boses dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"Hinahanarang ng ni Francis ang lahat kaya walang nakakarating sayo. Simula ng pumunta sa amerika si Mavie Angeles ay palagi na nya itong binabantayan at mukhang binayaran na nya ang mga binag babantay mo kaya walang nag rereport sayo." mahabang sagot nya.

Ilang buntong himinga naman ang pinakawalan ko para mapakalma ang sarili dahil kung hindi ako kakalma ay baka kung anong magawa ko.

"Kalmanado kana ba?" rinig kong tanong ni shadow.

"Bakit may iba pa ba akong dapat malaman?" tanong ko sakanya. Tumango naman sya at may iniabot nanaman sakin na Envelope.

Kinuha ko naman ang envelope ata agad na tiningnan ang laman non. Puro litrato iyon ni Francis–Kuya Francis na may kasamang mga lalaki na para bang sya ang leader non.

"Anong bang ibigsabihin ng mga picture na'to?" takang tanong ko na hindi inaalis ang paningin sa mga picture.

"Francis Villamerious the leader and head of Villamerious Mafia is also the leader of Dark Organization"

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon