CHAPTER 59

75 3 0
                                    

CHAPTER 59

Mabilis akong napa bangon sa pag kakahiga ng maramdaman ko ang pag tama ng sikat ng araw sa mukha ko pero agad din akong napa balik sa pag kakahiga ng biglang kumirot at sumakit ang ulo ko. Bwiset naman kase ang lalaking 'yon. Kung hindi nya ako inaway at sinigaw sigawan hindi naman ako mag kaka ganto.

Buong gabi akong hindi naka tulog kaya naman nag inom nalang ako. Naubos ko ata ang walong bote ng wine na naka stock dito sa mansion. Umaga na ako naka tulog dahil sa sobrang kalasingan kaya hindi na ako nag tataka kung bakit ganto kasakit ang ulo ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at para tingnan ang oras at halos mahulog ako sa kama ng makita kong 8:30am na. Shit!

May meeting kami ng Black Knights at Dark Horizons ng 8:00am. Sigurado akong hinihintay na nila ako. Kaya kahit na masakit pa ang ulo ko ay mabilis akong bumangon at naligo saka nag toothbrush.

Mainit ang panahon ngayon kaya simpleng dress nalang ang isinuot ko dahil wala naman akong planong pumasok sa klase. Nakausap ko na si tito at ipina cancel nya ang klase ng lahat dahil mag aayos nalang daw ang lahat kase malapit na ang founding anniversary ng school.

Nang matapos naman akong maligo at mag bihis ay agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang secret room ng kwarto ko. Pag ka pasok ko don ay sinarhan ko rin agad ang pinto para walang maka kitang nandito ako. Napangiti naman ako ng bumungad sakin ang napaka raming weapons.

Guns, Katana, bow and arrow at marami pang iba. Gusto ko mang kumuha ng mga weapons na naka sabit sa pader pero hindi ko ginawa at nag lakad nalang ako papunta sa malaking glass box at kinuha don ang baril na kulay ginto.

Matagal tagal ko na ring hindi nahawakan at nagamit ang baril na 'yon pero mukhang magagamit ko na ngayon. Kinuha ko rin ang maliit na box na kasama ng baril dahil may laman iyong special na bala ng baril.

It has my signature. Ang bala ng baril na hawak ko ngayon ay kulay ginto rin at naka ukit don ang pangalang Queen H. Lahat ng tao sa underground wolrd ay alam ang ibig sabihin non. It means the queen wants to start war with you. Sa oras na gamitin ko ang baril na 'to laban sa Black Snake Organization ay makaka pag simula na ako ng Organization War sa pagitan ko at ng BSO.

Napa iling iling na lamang ako at lumabas na ng secret room at muli iyong nilock saka lumabas na ng bahay. Napa pikit nalang ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Shit! Hangover. Hindi na ako iinom ulit. I can't drive dahil baka 'yon pa ang maging cause of death ko.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tatawagan na sana si Kenzo pero hindi ko na naituloy dahil sa sunod sunod na pag busina ang narinig ko. At nang tingnan ko kung sino 'yon ay bumungad saakin ang pamilyar na sports car.

"Sakay na. You can't drive. I don't want to hear your name in the news saying that you died because of car accident" malamig ang boses na sabi ng lalaking nasa driver's seat.

Hindi naman ako nag salita at inirapan lang siya saka sumakay na sa kotse nya. "Ano hindi ka na ba galit sakin kaya nandito ka na?" tanong ko sa kanya.

"I'm still mad, Mckenzie. Nandito lang ako dahil lasing na lasing ka kagabi at alam kong hindi ka makaka pag drive ngayon papunta sa school mo." malamig na sabi niya na ikina simangot ko pero agad ding napalitan ng pag tataka ang isip ko dahil paano nya nalaman na lasing ako?

"Paano mo nalamang lasing ako?" tanong ko sakanya. Tumungin naman sya sakin pero hindi sya nag salita pero kinuha nya ang cellphone ko ay may record na iniplay.

At kasabay ng pa play non ay ang pag sakit ng ulo ko at isang nakakahiyang pangyayari ang naalala ko na ginawa ko kagabi.

Sobrang sakit na ng ulo ko at umiikot na din ang paningin ko sa sobrang kalasingan pero nagawa ko paring kunin ang cellphone ko at tinawagan ang isang taong dahilan kung bakit ako nag lasing. Naka ilang ring lang yon at agad nyang sinagot kaya agad akong nag salita.

"Hoy, Fuck you! Wag na wag ka ng mag papakita saking gago ka! Hindi ka manlang bumaba sa kotse mo para makipag usap sakin! I hate you! I hate you!" malakas kong sigaw sakanya sa kabilang linya pero isang mahinang tawa lang ang narinig ko at pinatayan na ako ng tawag.

"Wag ka na ulit mag lalasing." madiing sabi niya kaya napa tingin ako sakanya. Nangunot naman ang noo ko dahil iba ang suot nyang maskara. Ang suot nyang maskara ngayon ay kulay puti at katulad yon ng maskara na sinusuot namin nila kuya Zaijan at Michael kapag nasa UA kami.

"What's with that mask?" tanong ko sakanya. "Well i want to see the Black Knights and Dark Horizons. So this will be my disguise." sagot nya. Hindi naman na ako nag salita.

Nang maka rating kami sa school ay agad kaming pinapasok ng guard dahil nakita ako. Sabay naman kaming bumaba ng sasakyan nya at nakita kong pinag titinginan na agad kaming dalawa.

Siguro dahil ang kasama ko ngayon ay naka suot ng kulay puting maskara na simbolo ng pagiging miyembro ng White Blood Gangs.

"Kailangan ba talaga kasama ka?" tanong ko sakanya habang nag lalakad kami papunta sa room. "Yes" 'yon lang ang naging sagot nya at hindi na ulit sya nag salita kaya tumahimik nalang ako.

Nakarating naman agad kami sa classroom at pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang Black Knights at Dark Horizons na seryoso lang ang mga mukha at nang makita nila ako ay agad nag liwanag ang mga ekspresyon nila.

"Kanina ka pa namin hinihintay" nakangiting salubong sakin ni cloud pero agad ding nawala ang ngiti nya sa labi ng makita na may kasama ako.

"Nasan ang dalawang leader?" tanong ko sakanila nang mapansin ko na wala si Zach at Khael. Muli namang pumasok sa isip ko ang ginawa namin ni zach sa kotse nya kaya agad akong napa iling iling.

"Umalis sila parehas. Si Luhan ay susunduin daw ang love of his life nyang si thea pero babalik din daw sya" sagot ni cloud na ikina tango ko.

"Si Zach ay may susunduin daw sa aiport and we don't know who" si ivough naman ang nag salita. Nangunot lang ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Nilapitan ko sya at sinamaan ng tingin. "I know, you know, Ivough. Now. Tell me" matigas kong sabi. Nakita ko namang napalunok sya at agad na itinaas ang dalawang kamay nya na para bang sumusuko na.

"Okay. Fine" naka simangot nyang sabi. "He told me not to say to you. But right now he's with Dianne Walter. His Ex girlfriend. His dad told him to ferch her so he did"

Agad namang nag init ang ulo ko dahil sa narinig ko. Naiyukom ko nalang ang kamay ko para pakalmahin ang sarili ko. Naramdaman ko naman ang pag hawak ng kung sino sa kamay ko.

"Hey, Charm. Don't think too much. Zach won't hurt you" dagdag naman ni brent sa sinabi ni ivough pero walang emosyon ko lang syang tiningnan.

"Liar" rinig kong sabi ng lalaking katabi ko pero hindi ko sya pinansin.

"Let's start the plan without them. But before that I want to Introduce myself"

Agad na nanlaki ang mata ko ng pumunta ang lalaking kasama ko sa harap nila Ivough para raw mag pakilala. Hindi naman siguro niya ipapakilala kung talaga sya ano?

"I'm Hael the fourth member of White Blood. Our leader and my other gang mates are all busy so leader told me to go here and help because this girl beside me..." tumigil siya sa pag sasalita at itinuro ako pero sinamaan ko lang sya ng tingin. "She asked for our help and who are we to decline? So I'm here willing to help."

Isa isa namang lumapit sakanya ang Black Knights at Dark Horizons at nag pakilala.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon