CHAPTER 42
"Paano nyo nalaman ang bagay na 'yon?" tanong ko sa kanila.
"We saw you wearing the white mask. At isang tao lang naman ang meron non. Ang leader lang ng White Blood Gang kaya naman sinundan ka namin nong pumunta ka sa underground arena pero hanggang labas lang kami at mas nakumpirma pa namin na ikaw talaga sya dahil sa ginawang pag tatangka sa buhay namin ngayon" si Vivine na ang sumagot sa tanong ko.
Hindi ko magawang mag salita dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko o sasabihin ko.
May batas akong sinusunod sa underground arena at yon ay kailangan kong patayin ang lahat ng makaka alam kung sino talaga ako pero paano ko magagawa 'yon kung mga kaibigan ko na ang nakaalam?
Tangina naman oh!
"Dapat hindi na kayo nangialam pa. Dapat nanahimik nalang kayo. Alam nyo bang pwede kayong mamatay dahil sa ginawa nyo?" malakas na sigaw ko sakanila.
"Sorry" sabay sabay na sabi nila.
Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa sobrang gulo ng utak ko. Hindi ko na malaman pa ang gagawin ko kaya lumabas na ako ng clinic at iniwan ang tatlo.
Wala sa wisyo akong nag lakad ng hindi alam kung saan ang punta basta nag lakad lang ako ng nag lakad.
Hanggang sa napatigil ako nang makita ko mula sa malayo si Zach kasama ang gang nya. At pare pareho silang sugatan.
Hindi na ako naka pag isip pa ng kung ano dahil mabilis na akong tumakbo at sinalubong ng yakap si Zach.
"Baby, Is that you?" rinig kong tanong nya habang naka yakap ako sakanya. Kailangan na kailangan ko ngayon ang yakap nya dahil gulong gulo na ang utak ko at pakiramdam ko ay sasabog na 'yon ano mang oras.
Mukhang naramdaman naman nya na kailangan ko ng yakap dahil gumanti sya ng yakap sakim at naramdaman ko ang ilang beses nyang pag halik sa ulo ko.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang naka yakap sakanya. Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka yakap kay Zach basta bumitaw lang ako sa kanya ng maramdaman kong magaan na ang pakiramdam ko.
"Are you okay now?" tanong nya.
"Yes and Thank you for letting me hug you" pag papasalamat ko sakanya at nginitian sya.
"You're my fiance. You can everything you want to me" ani nya at hinawakan ako sa balikat na ikina daing ko.
Taka naman syang tumingin saakin at nag salita pero hindi ko marinig ang sinasabi nya dahil nag sisimula ng umikot ang paningin mo. Naramdaman ko nalang na bumigay na ang mga paa ko at hinintay ang sariling bumagsak.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang pag buhat saakin ng kung sino.
NAGISING AKO dahil sa pamilyar na amoy ng paligid na ayaw na ayaw ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad saakin ang kulay puting kisame.
"Kailangan lang mag pahinga ng pasyente ng ilaw araw. Masyado malalim ang tama ng bala sa mag kabilang balikat nya at marami ring dugo ang nawala sakanya kaya matagal na pag papahinga ang kailangan nya" rinig kong sabi ng kung sino mula sa labas ng kwarto kung nasaan ako.
"Okay doc, salamat" boses naman 'yon ni Zach na ikina kunot ng noo ko.
Anong ginagawa nya dito? Siya ba ang nag dala sakin dito sa hospital? I just hope hindi maka rating sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko na nasa hospital ako.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok don si Zach kaya napatigil ako sa pag iisip.
"Hey, baby. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" bungad sakin ni Zach ng makitang gising na ako.
Hindi ko naman sya sinagot at umupo lang sa kama na kinahihigaan ko. "Does my family knows na nandito ako?" tanong ko sakanya.
"No" sagot nya na ikina hinga ko ng maluwag.
"Then kailangan ko ng umalis dit–" hindi ko naituloy ang sasabihin ko at ang pag tayo ko dahil mabilis akong pinigilan ni Zach.
"Ang sabi ng doctor kailangan mong mag pahinga dito" madiing sabi nya pero inirapan ko lang sya at akmang tatanggalin na ang mga naka kabit sakin pero muli akong natigilan ng ipakita nya sakin ang cellphone nya.
"Go ahead and I will call your parents. I'm sure kapag nalaman nila na nandito ay papabalikin kana agad nila sa Italy at kapag nangyari 'yon hindi kana nila papabalikin dito sa pilipinas at hindi mo na rin magagawa ang plano mong mapa bagsak ang Black Snake Organization" nakangising sabi nya na talagang ikina inis ko.
"Fuck you" inis na sabi ko at bumalik sa pag kakahiga.
No choice!
I have to fucking stay here for days and that's torture. I fucking hate this place.
"May gusto ka bang kainin?" biglang tanong ni Zach. Mabilis naman akong bumangon at nakangiti syang hinarap.
"I want ice cream, fries and fried chicken" sagot ko sakanya. Kanina pa kase ako nakaka ramdam ng gutom mabuti nalang at nag tanong sya kung anong gusto kong kainin.
"So anong ginawa mo sa Italy?" -Zach
"Organization" maiksing sagot ko sa tanong ni Zach. Mukhang hindi naman sya nasatisfied sa sagot ko kaya muli akong nag salita.
"Nasa organization ko ang tatlong taong pumatay kay Alejandro Gomez at Thuro Cardon. May taong nag panggap na ako at inutusan ang mga tao ko na patayin si Alejandro at Thuro. I already punished that three person and kenzo is now tracking who's the person who ordered those three."
Pag sasabi ko ng totoo sakanya. Wala naman na kaseng saysay kung mag sisinungaling pa ako dahil malalaman din naman nila ang totoo.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Edi sana sinamahan kita. At isa pa bakit hindi mo agad ipinagamot ang tama mo sa balikat ha?" kung kanina ay seryoso lang sya ngayon ay puno na ng pag aalala ang boses at mukha nya.
"Alam kong sasama ka kaya hindi ko na sinabi sayo. Marami akong kalaban sa Italy kaya naman delikado kung sasama ka pa." walang ganang sagot ko.
Mag sasalita pa sana sya pero bumukas na ang pinto at pumasok don sila cloud na may dalang mga plastik.
Kompleto silang lahat maliban nalang kay Khael na may inaasikaso sa ibang bansa. Natigilan naman ako ng makita rin na pumasok sila florence.
"Your food, Princess" sabi ni cloud at iniabot sakin ang plastic na dala nya. Agad namang nag ningning ang dalawang mata ko ng mskita ang masasarap na lag kain na dala nya.
Hindi ko na pinansin ang mga pinag sasabi ng mga kasama ko dahil nag fucos nalang ako sa pag kain.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN