CHAPTER 28
"Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious, I Really Like You"
Napanganga nalang ako dahil sa sinabi niya. "I'm Engaged" maisking sabi ko at pinakita sakanya ang singsing na ibinigay kanina ni Zach.
Tumawa naman sya ng mahina at inilagay sa ulo ko ang kamay nya saka ginulo ang buhok ko.
"Rejection ba yan?" natatawang tanong nya na ikina simangot ko.
"Sure ka ba na gusto mo ako? Baka naman namiss mo lang ako" nangaasar kong sabi.
"Nalimutan mo na bang ikaw ang nag ligtas sakin nong nalulunod ako" sabi nya na nag pagulat sakin.
Then a memory flash in my mind.
"Yong lalaki nalulunod" malakas na sigaw ng kung sino kaya napatigil ako sa pakikipag usap kay kenzo.
Nakita ko ang lalaki na nalulunod na talaga at walang natulong sakanya kaya mabilis akong tumakbo papunta sa dagat at walang pag dadalawang isip na lumangoy papunta sa direksyon nong lalaking nalulunod.
Nang maka lapit ako don sa lalaki ay agad ko syang hinawakan at ini kapit sakin para mahila sya papunta sa dalampasigan.
Ilang minuto lang ay naka rating na kami sa dalampasigan. Pero wala na syang malay.
Inayos ko muna ang pag kakahiga ko sakanya sa buhanginan.
First Step: Make sure the person is on firm surface
"Tumawag na kayo ambulansya bilis" sigaw na utos ko sa mga taong nandito. Agad naman nilang sinunod ang sinabi ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
Second Step: Call for help
Pinapaligiran din kami ngayon ng mga tao kaya pinaalis ko sila at tinapik tapik ang pingi nong lalaki.
Third Step: Open the airway
Idinikit ko ang tenga ko sa dibdib nya at tininingnan kong huminga pa sya, Pero halos isang minuto ko nang pinapakinggan kung himihinga pa ba sya pero wala talaga.
Fourth Step: Check for breathing
Napahinga nalang ako ng malalim at sinumulang Ipump ang dibdib nya ng paulit ulit.
Fifth Step: Start Chest Compressions
Hindi padin sya nag mumulat kaya ini CPR ko na sya sa pamamagitan ng pag papasa ng hangin gamit ang aking bibig.
Sixth Step: Deliver rescue breaths
Nang hindi padin sya nagigising ay inulit ulit ko lang ang basic steps in CPR.
Ilang minuto ko syang iniCPR hanggang sa mag mag mulat sya.
Naghiyawan naman ang mga taong naka kita ng ginawa ko at sakto namang dumating na ang ambulansya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya. Tumango tango naman sya at parang natulala pa.
Mukhang natrauma sya.
Tiningnan ko syang maigi.
He looks familiar.
Napailing iling nalang ako at nang makita kong palapit na ang medic ay iniwan ko na sya at pumunta sa kung nasaan si kenzo.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN