CHAPTER 52
Isang malakas na kalabog mula sa katabi naming mesa ang nag pakuha sa atensyon ko. Agad kong tiningnan kung ano yon at mabilis akong napa tayo ng makita ko si khael na nakahawak sa gilid ng mesa na para bang nang hihina.
Nilapitan ko naman sya at inalalayan sa pag tayo. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya.
"Ayos lang ako" malamig ang boses nya kaya natigilan ako. Inalis din nya ang kamay kong umaalalay sakanya at nag lakad palabas ng cafeteria.
Naiwan naman ako dito na naka tingin lang sakanya. Pati ang Black Knights ay naka tingin lang sa papalayong leader nila at pare pareho kaming nagulat sa inakto nya.
Walang nag tangkang sumunod sakanya siguro ay natakot sila sa inakto ni khael at napaka lamig din ng boses nito. Pero iba ako. Wala akong pakealam kung galit sya o ano man.
Walang pag dadalawang isip ko syang sinundan kahit pa tinatawag na ako nila Zach.
Hanggang sa maka rating kami sa rooftop ay tahimik lang akong naka sunod sakanya.
Alam kong alam nya na naka sunod ako sakanya pero hindi nya ako pinaalis and for me sapat na yon para ipag patuloy ko ang pag sunod sakanya.
"What's wrong khael?" tanong ko sakanya nang umupo sya sa sahig ng rooftop.
Tipid naman syang ngumiti at tumingin sakin. I can see through his eyes that he's hurting.
"Charmeng Frances, pagod na ako. Pagod na akong umasa sa taong alam kong hindi naman ako kayang mahalin. Pagod na pagod, Charm" mahihinang sabi nya pero sakto lang para marinig ko.
Punong puno ng sakit ang boses nya at tumatagos iyon sa puso ko na nag dudulot ng mabigat na pakiramdam.
Naka titig lang ako sakanya dahil hindi ko alam ang gagawin ko pero nang makita kong umiiyak na sya ay mabilis ko syang nilapitan at niyakap.
"Charm, Ang sakit sakit. Mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya kahit paulit ulit nalang akong nasasaktan ng dahil sakanya" sabi pa nya habang umiiyak sa balikat ko.
Nararamdaman kong nababasa na ang likod ko pero wala akong pakialam basta niyakap ko lang sya ng mahigpit habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya.
"Mahal ko sya"
"Miss na miss ko na sya"
"Gusto ko na syang makasama kaso may mahal na syang iba"
'Yon ang paulit ulit nyang sinasabi habang umiiyak na. Sobrang sakit na makita at marinig na umiiyak siya. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan sya.
Ang sakit sakit sa pusong makita syang nag kakaganto ng dahil lang isang babae. Masyadong mahalaga sakin si khael at hindi ko hinahayaang may manakit sakanya tapos ngayon heto sya walang tigil sa pag iyak habang naka yakap sakin.
Siya lang ang may kayang mag dulot ng gantong kakaibang sakit sa puso ko kaya hindi ko kayang makitang nasasaktan sya.
"Khael, What happened? tell me, please"
Malumanay ang boses na ani ko sakanya pero mas lalo lang syang umiyak kaya marahan kong hinagod ang likod nya para pakalmahin sya.
Mga kalahating oras din syang umiiyak habang nakayakap sakin at ngayon ay nandito parin kami sa rooftop.
Nakaupo ako sa sahig at sya naman ay naka higa habang naka unan sa hita ko.
Mahimbing ang tulog nya kaya hindi ko sya magawang gisingin. May mga luha pa sya sa pingi na agad ko namang pinunasahan.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN