CHAPTER 39
"Hindi ba sila nauubusan ng bala? Kanina pa nila tayo binabaril" reklamo ng kakambal na ko. Napailing iling nalang ako at pinag patuloy ang panonood sa kuha ng CCTV kung saan kitang kita ang ginawang pag patay ng tatlong lalaki kay Alejandro Gomez at Thuro Cardon.
Hindi maiwasang uminit ang ulo dahil kitang kita ang tatto ng tatlong pumatay. Blue na rose yon at simbolo iyon na parte ka ng Phonex Organization na pinamumunuan ko.
Sigurado akong ano mang oras ay pwedeng maka kuha ng ebidensya ang mga pulis sa nangyaring pag patay kay Alejandro Gomez at Thuro Cardon. At hinding hindi ako papayag na madungisan ang pangalan ko at ang pangalan ng pamilya ko.
Kaya kailangan ko na kaagad maayos ang gulong ito bago pa maka abot sa media pero ang mga hayop na naka sunod saamin ay hindi parin kami tinatantanan.
Kanina pa nila binabaril ang kotse na sinasakyan namin na para bang hindi sila nauubusan ng bala. Pero kahit anong gawin naman nila ay hindi kami tatamaan ng nga balang iyon dahil bulletproof ang sinasakyan namin.
"Mukhang alam naman na nila na ako ang babaeng Villamerious, dapat na ba akong mag pakilala sakanila?" nakangising tanong ko kay kenzo. Nakuha ko naman ang atensyon nya at saka inabutan ako ng baril na mas lalong ikina ngisi ko.
"Make me proud, twin" nakangisi ring sabi nya.
"I will, brother" sagot ko at tinanggal ang tali ang ng buhok ko dahilan para lumugay 'yon. Sunod ko namang tinanggal ang contact lens ko para makita ang kulay lila kong mata na matagal tagal ko na ring itinago.
"Open the window, brother" utos ko kay kenzo na agad naman nyang ginawa.
Ikinasa ko ang baril ko at inilabas ang ulo sa bintana at saka nakipag palitan ng baril sa mga bumabaril saamin.
"Headshot" nakangising ani ko ng matamaan ko sa ulo ang huling kalaban.
Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni renzo kaya bumalik na ako sa dati kong pwesto.
"Boring" walang ganang ani ko at Kinuha ang cellphone para tawagan ang butler ko.
"Ready my private plane. I'm going back and don't tell anyone. I want a grand entrance. We'll be there in 15 minutes."
"Copy, Madame"
Inend ko na ang tawag at isinandal ang ulo sa bintana at pumikit. I need to stay calm in every situations. That's what dad told me pero nang dumating ako dito sa pilipinas ay kung ano anong emosyon na ang nararamdaman ko na hindi ko naman nararamdaman dati.
Bihira lang ako ngumiti noon pero ngayon basta kasama ko si Zach at ang iba naming kaklase ay napapadalas na ang pag tawa at ngiti.
I guess, I really changed.
Siguro ganon talaga. Makakakilala talaga tayo ng mga taong babago saatin at hindi ko inaasahan na sa loob lang ng dalawang linggo ay marami na agad mag babago saakin.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong naka pikit basta nag mulat lang ako ay nang maramdaman kong tumigil na sa pag andar ang sa sasakyan.
Nang mag mulat naman ang mata ko ay bumungad saakin ang pag mumukha ng kakambal ko na nakasimangot.
"Everything is ready" yon ang bungad nya saakin na ikina irap ko sa hangin. Mukhang nasa airport na kami.
Mabilis akong lumabas ng kotse at inayos ang suot kong damit saka tinanggal ang jacket ni Zach na pinasuot nya saakin kanina. Iniinit na kase kaya hinubad ko na.
Narinig ko naman ang pag singhap ni kenzo ng makita ang tama ng bala sa balikat ko. Nangunot naman ang noo ko nang biglang mag dilim ang mukha nya na para bang makaka patay na.
"Hey, Are you okay?" pag kuha ko sa atensyon nya. Agad naman syang tumingin saakin na punong puno ng pag aalala ang mukha.
"Why din't you tell me that you got shot?" nag aalang tanong nya at mabilis na lumapit saakin. Nagulat pa ako ng bigla nalang syang nag hubad ng damit at isinuot saakin yon.
"You don't need to give me your shirt, kenzo. What will you wear now?" tanong ko sakanya. Hindi naman sya nag salita at kinuha ang jacket na ibinigay saakin ni Zach. Isiuot nya yon.
"I thought you hate Zach? He gave me that jacket" natatawang sabi ko pero sinamaan nya lang ako ng tingin at nag lakad na papasok sa airport.
Sakto namang pag karating namin kung nasaan ang Private Plane ko ay nandon na si Vladimir ang Butler ko.
He's pure italian. Pero nag aral syang mag tagalog at english para daw kahit papano ay mag kaintindihan kaming dalawa.
Well he's my butler for since i was 6 years old that's why he already know me and he is allowed to see me without my mask so yes, I trust him.
"Madame, Everything is ready. I made sure that no one will found out that you are going back"
Hindi na ako nag salita at tinanguan lang sya at pumasok na sa private plane. Sumunod naman saakin ang dalawa at pag katapos ay naramdaman kong lumilipad na sa ere ang eroplano.
Katabi ko sa upuan si kenzo samantalang si Vlad naman ang nag papalipad ng eroplano. Well he can do everything.
Wala pang 30 minutes akong naka upo dito pero naka ramdam na agad ako ng gutom. At mukhang napansin 'yon ni kenzo dahil bigla syang nag labas ng kung ano anong pag kain mula sa paper bag at ini abot sakin.
"San galing yan?" tanong ko sakanya.
"Niluto ko"
"Marunong ka palang mag luto?" manhang ani ko ay binuksan ang baunan na ibinigay nya.
Adobong manok, Fried chicken and rice.
Exacly what i want.
"I know how much you love those foods so I learned to cook it" mas lalo akong namangha dahil sa sinabi nya.
"Thank you, Twin" pag papasalamat ko at nag simula ng kumain.
Nang matapos naman akong kumain ay sumandal ako sa balikat ni kenzo na katabi ko at pumikit para matulog.
"CHARM, WAKE UP"
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog basta nagising nalang ako nang marinig ko ang boses ni kenzo na ginigising ako.
Inayos ko naman ang sarili ko at tumayo na kahit medyo inaantok pa. Kasabay kong bumaba si kenzo sa eroplano pero hindi pa kami tuluyang nakaka baba ng salubungin kami ng napaka raming reporter.
At mas lalo akong napanganga ng makita kong galing sa mag kakaibang bansa ang reporter na nasa harapan namin.
Gosh! Dumayo pa talaga sila dito sa Italy.
Well hindi na ako nag tataka na dumugin kami dahil ang kasama ko lang naman ngayon ay ang nag iisang Mckenzo Hermes Villameriou. A famous International actor, singer and dancer.
"Chi è lei?" who is she?
"Is she your girlfriend?"
"What's your relationship to each other mr. mckenzo"
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN