CHAPTER 15

133 3 0
                                    

CHAPTER 15

"Ang tagal ka naming hinanap" Sabi ni Daniel habang kumakain.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Nakikita ko pang tinitingnan kami ng mga nandito din sa cafeteria pero agad din silang nag iiwas ng tingin kapag nakikinila nila ang mga kasama ko.


"Bakit parang takot sila sainyo?" tanong ko sa mga kasama ko. Sabay sabay silang tumawa. "Pangalawa ang gang namin sa White Blood at sa school na pinanggalingan namin ay kinakatakutan kami kaya naman expected na namin na kakatakotan kami dito ngayon na lumipat na kami" mahabang paliwanag ni stell.


Natugilan ako.

Pangalawa sa White Blood?


"Dark Horizons?" tanong ko. Natigilan naman sila at napatingin sakin. Si khael naman ay seryoso lang na nakikinig saamin.

Naging seryoso silang lahat na para bang may nasabi akong masamang salita.

"It's Black Knights not Dark Horizons" malamig na sabi ni khael na ikinatigil ko din. Sila ang Black Knights? I thought Dark Horizons ang Rank 2 and Black Knights naman ang Rank 3. Familiar ako sa mga gang na iyon dahil minsan na silang naikwento sakin ni kuya zaijan. I think last year.

"We are the Black Knights not Dark Horizons. Matagal na naming natalo ang Dark Horizons kaya kami na ang nasa Rank 2" si gerald naman ang nag salita gamit ang seryosong boses.

Napatango tango nalang ako at nag patuloy sa pag kain. Mukhang kaaway nga nila ang Dark Horizons kaya ganyan ang reaksyon nila mga seryoso.

In Gangster World. Bawat gang ay may karapatang hamunin ang kahit aling gang na gusto nilang makalaban at hindi yong pwedeng tanggihan ng hinamon.


The price is ranks. Kapag Rank 1 ka at hinamon ka ng Rank 5 at nanalo sila. Automatic na magiging Rank 1 ang Rank 5 at ang Rank 1 naman ang magiging Rank 5.



That's the rule. But of course wala pang humahamon sa gang namin siguro dahil natatakot silang matalo. Once kase na matalo ka ng gang na mas mataas sayo ang rankay kailangan nyong sundin ang ano mang iuutos nila.

Well Shadow made those rules. Mas exciting daw kase pag ganon. Well i think i need to add some rules pag balik ko sa underground arena.

Napatigil ako sa pag iisip nang biglang tumahimik ang buong cafeteria. Ang mga kasama ko ay n biglang sumeryoso ang mga mukha. Wala kang makikitang emosyon sakanila ngayon at sobrang bigat din ng presensya nila.


Agad ko namang tiningnan ang isa grupo na dahilan ng lahat. Zach's gang. Katulad ng mga kasama ko ay mga seryoso lang din sila habang nag lalakad papunta sa table na katabi namin.


Tiningnan ko si zach at saktong naka tingin din sya sakin kaya nag tagpo ang aming mga mata.

Sobrang sama ng tingin nya sakin na parang  may nagawa akong napaka laking kasalanan sakanya.


Ano nanaman ba yon? Palagi nalang ang sama ng tingin nya sakin. Gets ko naman na galit sya sakin dahil sa nangyari kay cy pero sana naman maintindihan nya na hindi ko ginusto nag nangyari sa kakambal nya.


Napa buntong hininga nalang ako at nag patuloy sa pag kain pero napatigil din ako sa pag kain nang may humawak sa kamay ko at hinila ako patayo.

"Ano bang problema mo zach?" inis na tanong ko sakanya. Yes, Zach, sya lang naman ang humila sakin patayo. Hawak hawak pa nya ang kamay ko at napaka higpit ng pag kakahawak nya don.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon