CHAPTER 2
"MOVE"
Malamig at maawtoridad na sigaw ng kung sino.
Kitang kita ko namang natigilan ang mga lalaking nasa harapan ko. Pati ang mga taong nandito sa cafeteria ay mag nag silabasan.
Ramdam na ramdam ko ang mabigat at kakaibang presensya ng taong nag salita at isa lang ang masasabi ko.
Nakakatakot ang boses niya.
Parang napaka maka pangyarihan niya base sa boses niya na kinakatakotan ng lahat.
"Zach.." rinig kong banggit ng lalaking sasampal dapat sakin.
Nanginginig na sya ngayon na para bang isang halimaw ang tinitingnan niya.
Sinundan ko ang tingin niya at bumungad saakin isang lalaki na nag lalakad palapit saamin.
Black messy hair, gray eyes, pointed nose and perfectly shaped lips– teka pamilyar sya.
Naka suot ang lalaki ng kulay itim uniform na mas lalong nag padagdag sa kagwapohan nya– Teka what?
Kunot na kunot ang noo niya at halatang galit na galit. Nakakatakot ang presenya niya parang kayang kaya niyang pumatay gamit ang mga titig niya.
Pero sa tuwing tititigan ko siya ay
Imbes na matakot ay nagiging komportable ako at sa isang tao ko lang nararamdaman ang gantong pakiramdam."Cyruz?" mahinang banggit ko sa pangalan ni cyruz ng makarating ang lalaki kung nasaan kami.
Hinawakan niya ako sa kamay at itinago sa likod niya na para bang pinoprotektahan ako kahit na kayang kaya ko namang protektahan ang sarili ko.
Playing hero huh
Mahigpit ang pag kakahawak niya saakin pero hindi ako nasasaktan sapagkat napaka lambot ng kamay nya.
"She's my property so don't you dare" malamig na sabi nya at nag lakad na paalis at dahil hawak niya ang kamay ko ay napasunod nalang ako sakanya.
Hanggang makalabas kami sa cafeteria ay hawak hawak nya ang kamay ko.
Aba ayus sya mukhang nag eenjoy sa pag hawak sa kamay ko.
Tumigil lang sya sa pag hila sakin ng makarating kami sa may mini garden.
"Ikaw ba yan cyruz?" manghang tanong ko sakanya.
Habang tinititigan ang kanyang mukha na wala pading kahit anong emosyon.
Malamig naman siyang tumingin sakin at nag salita.
"I'm not" maiksing sagot nya na ikina kunot ng noo ko.
Tsk!
This guy is really something.
I thinks he's having fun fooling me.
"You cannot fool me cyruz. I know who really you are" nakangising sabi ko na ikina tigil niya.
Naka tingin sya sakin ngayon na parang takang taka.
Tsk!
This guy is amazing.
Hindi ko manlang napansin na siya pala yon. Sa dami ng connection ko ngayon ko lang nalaman kung sino ba talaga siya at talagang nakaka gulat ang nalaman ko.
Flashback
Inis akong nag lalakad papunta sa cafeteria ng tumunog ang cellphone na ibinigay ni cyruz.
May tumawag don ba unregistered caller. Nangunot ang noo ko pero sinagot ko padin yon na pinag sisisihan kong ginawa ko.
"Hi princess, I thought you don't want to marry zach?" boses yon ni dad na parang tuwang tuwa.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Novela JuvenilDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN