CHAPTER 83
Anong pakiramdam ma traydor ng taong pinag kakatiwalaan mo? Masakit siguro sa iba pero saakin ay hindi. Paano pa ako masasaktan kung sanay na akong ma traydor ng mga tao sa paligid ko?
Hindi ko lang inaasahan na ngayon niya gagawin ito. Walang emosyon lang akong naka tingin sa lalaking naka ngisi habang naka titig saakin.
Naka upo ako sa isang bangko at naka tali sa likod ng bangko ang kamay ko at ang mga paa ko naman ay naka tali rin. Mukhang takot sakin ang nag tali dahil sobrang higpit at daming buhol non.
"Nakaka ngalay na dito, Michael. Pakawalan mo na ako" malamig kong sabi sakanya pero tinawanan niya lang ako. Hindi ko magets kung bakit siya tumatawa ay wala namang nakaka tawa.
Tumayo siya mula sa sofa na kinauupuan niya at nag lakad palapit sakin habang naka ngisi. Napa ngiwi nalang ako nang hawakan niya ako ng mahigpit sa panga.
"Patayin nalang kaya kita?" tanong niya at muling tumawa ng napaka lakas.
"Then kill me" nakangisi kong sabi. Halata namang natigilan siya dahil sa pag luwag ng pag kakahawak niya sa panga ko.
As expected. He can't kill me. Hindi naman talaga siya ang mag gustong pumatay sakin kundi ang walang hiya niyang ama na sa kasamaang palad ay tito ko.
"Go on, Michael. You can kill me now and right here" pang hahamon ko sakanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at binatawan na ang panga ko.
"Iiwan mo talaga ako dito?" tanong ko sakanya na ikina tigil niya sa pag labas ng pinto. Malamig niya lang akong tiningnan at saka ay lumabas na. Napangisi nalang ako nang maka alis siya.
Inunat unat ko ang kamay ko sa ere at tumayo para mag lakad papunta sa pinto. Mas lalo lang ako napangisi dahil hindi 'yon naka lock.
Tsk. Michael. Michael.
Kayang kaya kong maka takas ngayon din pero hindi ko muna gagawin dahil kailangan kong malaman ang rason kung bakit nila 'to ginagawa. I want to know Zach's reasons.
Rason na alam kong alam na ng kakambal ko at ni shadow pero hindi lang nila masabi sakin. And based on my observation that reason will definitly hurt me.
Dahil kung hindi naman ay dapat matagal ng sinabi sakin ni Shadow ang totoo and knowing him. My safety first. He would choose to keep secrets from me if he knows I would hurt me.
Kung hindi nila sakin sasabihin then ang mga kalaban ko ang mag sasabi at mas exciting 'yon.
Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko saktong bumukas ang pinto at pumasok don ang napaka raming men in black na may mga dalalang baril. Tingin ko ay nasa lampas 50 sila.
Nang maka pasok na ang mga lalaking naka all black ay sumunod sakanila ang tatlong tao na sobrang pamilyar sakin. Sa sobrang pamilyar ay kayang kaya kong silang pangalanan.
"How's my one and only niece?"nakangiting tanong ng lalaking may katandaan na ng maka lapit siya sakin.
He's Gregory Villamerious, my uncle. My dad's brother. Pangalawa siya kay dad.
"Still breathing" naka ngising sagot ko sakanya mukhang hindi naman niya nagustuhan ang sagot ko dahil sa pag titiim bagang niya.
Nakita ko rin ang pag senyas niya sa mga tauhan at sa isang segundo lang ay napaka raming baril na ang naka tutok saakin.
Nag kibit balikat lang ako at sunod na tiningnan si michael. He's my cousin. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha niya habang naka tingin sakin.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN