CHAPTER 55

74 2 0
                                    

CHAPTER 55

Kakatapos ko lang makausap ang taong hiningan ko ng pabor at ngayon ay nandito ako sa kotse ko at nag mamaneho papunta sa bahay ni shadow dahil tumatawa sya sakin at sinabing may mahalaga syang sasabihin.

Nang maka rating ako sa bahay na malapit sa bahay ni shadow ay agad kong itnitigil ang sasakyan ko sa gilid at nag lakad papunta sa likod ng bahay.

Sa backdoor ulit ako dumaan at nang maka pasok ako sa loob ay bumungad sakin si shadow with his mask na naka higa sa sofa na parang pagod na pagod.

"What happened?" tanong ko sakanya. Agad naman syang bumangon pero rinig ko ang pag daing nya sa sakit.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko at mabilis syang nilapitan.

"I'm fine. I just got beaten up by someone" sagot nya. Nangunot naman ang noo ko dahil paanong mabubugbog ang isang taong tulad nya.

"How?" takang tanong ko sakanya.

"I let that bastard beat me" sagot nya.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Zach. Is there really a chance na si Shadow ay si Zach?

Damn! It's impossible! Pero teka– Ni minsan ay hindi ko pa nakitang mag kasama sa isang lugar si Shadow at Zach.

"Tanda mo pa ba yong text messages na nag utos sa tatlong tao mo sa organisasyon na patayin sila Thuro Cardon?" tanong ni Shadow na agad kong ikina balik sa wisyo.

"What about that? At paano mo nalaman?" tanong ko sakanya.

"Kenzo asked for my help to track down who send the message and I found something odd" ani nya na ikina kunot ng noo ko.

May iniabot naman sya saking cellphone na may naka dial na cellphone number. "Call that number and you will understand what i'm saying" ani nya na agad ko namang ginawa.

Naka ilang ring lang ang 'yon at maya maya pa ay sinagot na ng may ari ng number kaya agad kong inilagay sa tenga ko ang cellphone.

"Hello? Who's this?"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinatay ang tawag dahil isang napaka pamilyar na boses ang sumagot sa tawag.

Kunot noo ko ng tiningnan si Shadow na ngayon ay naka tingin lang sakin. "Yan ang number na natrack ko mula sa message ng nag utos sa mga tauhan mo" ani nya.

Putangina!

Ano bang nangyayari?

Ang taong sumagot lang naman ng tawag ay ang butler ni mom and dad kaya kilalang kilala ko ang boses nya at hindi ako pwedeng mag kamali.

"Are you saying that my parents butler for almost 27 years betrayed us?" hindi maka paniwalang tanong ko.

"Maybe" maiksing sagot nya na pagak kong ikina tawa.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at nag send ng message sa isang tao.

"Mag padala kayo ng tao na mag mamanman kay Nicholo Reyes. My parents butler. Find everything about him. Keep an eye on him"

Matapos kong isend ang text ay inidial ko naman ang number ng isang tao.

"Any news?" tanong ko ng sagutin nya ang tawag ko.

"Nothing. I can't that Ignacio Bemont but give 2 more days and i will give him to you alive but I can't promise that i won't beat him up."

Sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Just bring him to me" ani ko at pinatay na ang tawag saka sunod na tinawagan si Ivough.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon